Advertisers
Ang pagpasa ng AICS Act ay isang matibay na patunay na ang pamahalaang may malasakit ay pamahalaang tunay na kumakalinga, handa laging umalalay, umunawa at tumugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino sa oras po ng kagipitan.
Ito ang tinuran ni Senador Erwin Tulfo, sa kanyang manifestation sa naganap na third reading ng AICS.
“As your outgoing chairperson of the Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, I wish to place on record my profound gratitude and deep appreciation as this August Chamber approves on Third Reading Senate Bill No. 1966, under Committee Report No. 46, entitled, Assistance to Individuals in Crisis Situations or AICS Act.” aniya.
Ayon kay Sen. Erwin, ang naturang legislation “goes beyond merely institutionalizing assistance. It institutionalizes the spirit of malasakit in public service. More importantly, it affirms our collective duty as public servants to ensure that in times of hardship and uncertainty, government responds not with indifference, but with urgency, compassion, and decisive action for the welfare of every Filipino.”
Binigyang-diin niya na sa gitna ng hirap at pangangailangan, hindi dapat pinapabayaan ang ating mga kababayan at ang tulong ng pamahalaan ay dapat mabilis, maayos at may malasakit.
Nagpahayag si Sen. Erwin ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng authors na tumindig kasama niya sa likod ng nasabing Senate Bill gaya nina Senator Imee Marcos, Senator Christopher “Bong” Go at Senator Jinggoy Ejercito Estrada at gayundin kay Senator Joel Villanueva na nagpahayag ng kanyang intensyon na maging co-author din ng nasabing napakahalagang bill.
Isa umano itong katibayan ng nagkakaisa nilang paniniwala na ang serbisyo publiko ay dapat na laging inuuna ang mamamayan.
“Maraming salamat sa inyong dedikasyon at tunay na malasakit sa sambayanang Pilipino,” ani Sen. Erwin.
Para kay Sen. Erwin, ang kahalagahan ng AICS program ay higit na umiigting sa mga panahon ng ‘national at global uncertainty’, kung kailan ang mga ordinaryong Pilipino ay madaling maapektuhan ng economic disruption.
Sa panahon ng krisis aniya higit na nararamdaman ng ating mga kababayan ang pangangailangan ng agarang tulong at tunay na malasakit mula po sa ating pamahalaan.
Binigyang-diin din niya na sa gitna ng tensiyon sa Middle East at naging bunga nito sa pagsirit ng global oil prices, ang assistance mechanisms sa ilalim ng AICS Program ang siyang naging mahalagang source ng relief para sa maraming Pilipinos, lalo na sa transport drivers at operators na siyang nagpasang-krus dahil sa mahal ng gasolina.
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, maraming tsuper at operator ang nahirapang maitawid ang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.
“Through timely emergency assistance and fuel subsidy interventions, our government was able to provide much-needed relief and help lighten the daily burden of those who, despite rising costs and personal sacrifices, continue to keep our communities connected and our economy moving forward,” ani Sen. Erwin.
Sa pamamagitan ng agarang tulong mula sa AICS, naipakita po natin na ang pamahalaang may malasakit ay hindi po nagpapabaya, lalo na sa mga manggagawang patuloy na nagsasakripisyo para sa sambayanan, aniya pa.
Nagpasalamat din si Sen. Tulfo sa mga committees, technical working groups, partner agencies at masisipag na personnel sa likod ng nasabing legislation:”we thank you for transforming compassion into concrete action.
To my distinguished colleagues, may we continue to craft laws that are not only responsive, but humane. Laws that recognize that governance is not merely about programs and budgets, but about people, dignity, and hope.”
“Again, to all the authors and supporters of the AICS Act, thank you for your unity, compassion, and unwavering commitment to the Filipino people. We stand united for the welfare of the people, there is no crisis too great that we cannot overcome. Muli, maraming salamat po at mabuhay ang samabayanang Pilipino!”
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.