Inspirational Story Ng “Prince Of Talk” Na Si Toni Co, Mapapanood Ngayong Biyernes, 12 PM Sa DNA Channel Ni Ms. Dawn Dupaya; Beauty Queen-Actres Alma Concepcion Sa Talk Express This Sat, 5 PM
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Super bongga, super saya ng interview ng kilalang vlogger at event host na si Ms. Dawn Dupaya sa famous “Prince Of Talk” na si Toni Co. Sa interview, ito ay ikukuwento ni Toni ang makulay niyang life story na magbibigay inspirasyon sa viewers ni Ms. Dawn sa kanyang DNA Channel.
Ikukuwento ni Toni ang unang sabak niya sa pag-aartista para sa pelikulang “Filemon Mamon” noong 2015. Nakasama niya rito ang mga beteranong artista at dinirek ito ni Will Fredo. Sila naman ni Kean Cipriano ang magkasama sa 2016 horror-comedy film na “Echorsis”. Marami pa siyang nagawang movies at naging producer rin ng “Ned’s Project” na wagi sa isang Film Festival. At bakit nga ba close si Toni Co, sa kilalang mga celeberities like Rosanna Roces na kaibigan ng actor-host-producer since 2016. Babalikan rin ng host(Toni) ng fast-rising weekly Talk show na Talk Express sa KMD Studios ang totoong kwento ng kanyang buhay na laking Lola, at kailanman ay hindi niya nakilala ang kanyang biological mother. Malungkot na parte ng buhay ni Toni ng lumisan na sa mundo ang minamahal niyang Lola. Na ang sabi sa kanya na kapag nakabili na siya ng sasakyan ay ito ang una niyang isakay at iikot at ipasyal. Laking paghihinayang ni Toni at hindi na nasilayan ng Grandmother ang tagumpay sa buhay. May rebelasyon rin si Toni sa plastic na artista na kanyang na-encountered. Lahat ng yan ay mapanonood ninyo ngayong Biyernes, 12 PM sa DNA Channel ni Ms. Dawn Dupaya sa Youtube at Facebook.
By the way, this Saturday 5:00 PM ay ang kaibigang Beauty Queen-Actress na si Alma Concepcion ang guest ni Toni sa kanyang well followed and well watched na Talk Express. Catch him and his guest celebrity at KMD Studios in Youtube and Facebook. Also in Toni Co’s FB Page and Cignal TV.