Advertisers
Ni Anne Venancio
Tinatanggihan na ng aktres na si AJ Raval ang pagtanggap ng mga sexy roles dahil prayoridad na niya ngayon ang kanyang pamilya.
Kwento ni AJ sa interbyu sa kanya sa Fast Talk ni Kuya Boy Abunda, may dumating na mga offers pero sa ngayon, mas iniisip na niya ang kapakanan ng kanyang mga anak. At ayaw na niyang bumalik sa dating trabaho.
Mas naging maingat na umano siya sa pagtanggap ng proyekto dahil nais niyang magpakita ng magandang halimbawa sa kanyang mga anak at igalang ang relasyon nila ni Aljur Abrenica.
“Para sa akin, mahalaga na alam ko kung saan ako lulugar. Nirerespeto ko rin po si Aljur at ang aming pamilya kaya gusto ko na rin pong maging maingat sa mga choices ko,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, mas gusto umano nito ng tahimik na buhay pamilya at lumayo sa mga intriga.