Advertisers

Advertisers

JOLINA INALALA ANG KAARAWAN NI JUDAY

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena



Sweet at nakaka-good vibes ang birthday greetings ni Jolina Magdangal para sa kaniyang BFF na si Judy Ann Santos.

Isang nostalgic throwback photo ang ibinahagi ni Jolens sa social media nitong Mayo 11, kung saan magkayakap at parehong nakangiti ang dalawa habang nakasuot ng magkatugmang red outfit na agad namang kinatuwaan ng kanilang fans na humanga sa matagal nang pagkakaibigan ng dalawang aktres.



Kalakip ng larawan ang makulit ngunit sweet na caption ni Jolina: “Happy happy birthday Mareng Jujuju-JUDAY!!!!!! Labyu!!! Bagong bago ang picture na ito! Mag shiny red lipstick nga tayo minsan.”

Marami ang natuwa sa kanilang throwback moment at muling naalala ang matibay na samahan nina Jolina at Juday na parehong naging malaking bahagi ng industriya sa loob ng maraming taon.