Advertisers

Advertisers

ANGELINE AT ERIK EXCITED SA PRIMETIME SLOT NG ASAP

0 2

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nakuhanan ng reaction ang magkaibigang singer at regular sa ASAP na sina Erik Santos at Angeline Quinto.

Ayon sa dalawang singer, masaya at excited sila sa paglipat ng dating noontime show na ASAP sa bagong pre-primetime slot na 5:30 PM tuwing Linggo, kung saan rerebranded na ito bilang ASAP XP simula May 17, 2026.

Ayon kay Angge, wala raw masyadong tanong o pag-aalinlangan mula sa mga kapwa singer nang malaman nila na may pagbabago ang longtime variety show.

Ang naging reaksyon daw ng karamihan ay excitement dahil “primetime” na ang oras ng nasabing programa.

Aniya pa, normal na sa trabaho nila ang pagbabago at masaya silang lahat sa bagong setup.

Sey naman ni Erik, malaking adjustment daw ito dahil 31 years nang noontime ang ASAP. Pero para sa kanya, parang bagong tahanan at bagong simula ito para sa programa. Mas na-excite raw sila sa mga production numbers at sa mga bagong ideas na magagawa nila ngayong primetime na ang show.

Wika pa ng dalawang mahusay na singer, kahit may mga hamong kinakaharap ngayon ang ABS-CBN, nananatili silang supportive sa network at nagpapasalamat sa management dahil hindi sila pinababayaan.