Advertisers
Ayuda sa Senior Citizens: Sino nga ba ang dapat makatanggap?
Marami ang nagtatanong sa Misyon Aksyon ukol sa proseso at kwalipikasyon para sa ayuda at benepisyo ng mga Senior Citizen mula sa ating gobyerno. Sa tala sa Pilipinas, tinatayang may 9 hanggang 10 milyong nakatatanda, kung saan mahigit 4 na milyong indigent senior citizens ang tumatanggap ng social pension noong 2024–2025.
Sino ang kwalipikado sa buwanang pension?
Ang programang ito ay ang Social Pension for Indigent Senior Citizens sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Upang mapasama, narito ang mga kwalipikasyon:
1. Edad: 60 taong gulang pataas.
2. Kondisyon: Mahina ang pangangatawan, may kapansanan, o “frail.”
3. Kabuhayan: Walang permanenteng trabaho o regular na kita.
4. Walang ibang pension: Hindi tumatanggap ng pension mula sa SSS, GSIS, PVAO, o anumang pribadong insurance/retirement plan.
5. Suporta: Walang sapat na suportang pinansyal mula sa pamilya o mga kamag-anak.
Mga Karaniwang Requirements:
Maaaring makipag-ugnayan sa OSCA, DSWD, o sa inyong LGU dala ang mga sumusunod:
1. Senior Citizen ID at Application Form.
2. Barangay Certificate at Valid ID (National ID).
3. Birth Certificate o anumang patunay ng edad.
4. Sasailalim din sa home validation ng social worker upang makumpirma ang katayuan sa buhay.
Magkano ang matatanggap?
Simula noong 2024, itinaas na sa ?1,000 kada buwan ang pension. Karaniwan itong ibinibigay kada quarter o semestral (halimbawa: ?6,000 tuwing anim na buwan). Sa katunayan, naglaan ang gobyerno ng halos ?49.8 bilyon noong 2024 para sa programang ito ayon sa DBM.
Ayuda mula sa LGU:
Paalala lamang na ang ayuda mula sa Mayor o Gobernador ay hiwalay sa national pension ng DSWD. Depende sa budget ng inyong lungsod, maaaring may dagdag na:
Birthday cash gift o maintenance medicine.
Burial aid o dagdag na cash assistance (?500–?2,000).
Tandaan: Hindi ito pare-pareho sa lahat ng munisipyo sa Pilipinas.
TAKBO AT LABAN SA MGA BULLY: Iniaanyayahan ang lahat sa aktibidad ni GM Nicolas Torre ngayong May 16, 2026, na gaganapin sa Parklinks Estate, Pasig City, ganap na alas-5:00 ng umaga. Isang mahalagang layunin ito para sa kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad.
SALUDO SA PASIG COP: Saludo ang Misyon Aksyon kay Pasig City Chief of Police Col. Hendrix B. Mangaldan sa mabilis na aksyon matapos sibakin ang Pasig Jail Warden dahil sa isyu ng “7K VIP Treatment.” Ang ganitong kabilis na pagpataw ng disiplina ay kailangan upang mapanatili ang integridad ng ating kapulisan.
Bukas ang aking kolum para sa inyong kapalinawag at kung may nais ninyo ipaabot anoman uring problema magsent lamang kayo aking gmail account :arnelpetil12@gmail.com You Tube Channel MisyonAksyonArnelDadorPetil.CP.09949693361.