Advertisers
Ipinakita ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay ang kanilang husay sa pagluluto sa ginanap na Villar Foundation Cooking Competition noong Mayo 4 sa Villar Sipag Complex. Gamit ang sariwang ani mula sa mga urban garden, kasama ang karne at isda, naghanda ang mga kalahok ng masusustansya at masasarap na putahe na nagbigay-diin sa kahalagahan ng urban gardening sa pagsusulong ng food security, sustainability, at mas malusog na komunidad.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Cynthia Villar, Managing Director ng Villar Foundation, at Senadora Camille Villar, na kapwa nagbigay-diin sa patuloy na adbokasiya ng organisasyon para sa urban agriculture at paghikayat sa mga pamilya na magtanim ng sarili nilang pagkain kahit sa limitadong espasyo sa lungsod. (CESAR MORALES)





