Advertisers
Advertisers
Advertisers
TAMA si National Bureau of Investigation (NBI) Dirtector, Atty. Melvin Matibag. Dapat managot ang Senado sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Si Bato, na pinaaaresto sa International Police (Interpol) ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity, ay nasa kostudya ng Senado matapos itong sumipot sa session nitong Lunes (Mayo 11) pagkaraan ng halos walong buwan na ‘di pagpapakita simula Oktubre 2025.
Ngunit nitong Huwebes, Mayo 14, ng madaling araw ay tumakas daw ito, matapos na magkaroon ng tensyon Miyerkoles ng gabi kungsaan nagkaroon pa ng mga putukan.
Sinasabing kasama ni Bato sa pagtakas si Senador Robin Padilla.
Namataan si Padilla sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3) bandang 3:00 ng umaga. Ipinagpalagay na dumiretso sa airport ang dalawa pagkalabas ng gusali ng Senado.
Sa pagtakas ni Bato sa Senado, isa na siyang pugante ngayon. Hahabulin na siya ng mga awtoridad.
At kung sino man ang nagpatakas sa kanya, posible si Padilla na maaring may basbas din ni DDS Senate President Alan Peter Cayetano.
Diin ni Matibag, dahil kostudya ng Senado si Bato, pananagutan nila ang pagkatakas nito. Kumbaga sa pulisya ay ‘command responsibility’, mananagot ang hepe pati ang jailguards on duty.
Ang Senate Sergeant-at-Arms ang guard ng Senado, at ang hepe ay si retired Police Major General Mao Aplasca.
Si Aplasca ay junior ni Bato sa Philippine Military Academy (PMA) at “bata” niya ito nung aktibo sila sa PNP.
Si Bato ang nagrekomenda kay Cayetano para maging sergeant-at-arms ng Senado si Aplasca, matapos magbitiw si retired Major General Edgardo Rene Samnite nang tligsain ni Cayetano matapos mahirang na Senate President.
Sa command responsibility, sa pagkatakas ni Bato, ang dapat mananagot ay sina Cayetano, Aplasca at Padilla. Mismo!
Iniutos na ni Pangulong “Bongbong” Marcos sa law enforcement agencies ang pagkatakas ni Bato sa kostudya ng Senado. Subaybayan!
***
Kaduda-duda ang mga pagpaputok ng baril sa loob ng Senado Mierkoles ng gabi, kungsaan natadtad ng bala ang bahagi ng salamin at walang nasugatan sa putukan.
Walang nakakaalam kung sino ang nagpaputok dahil pinatay ang ilaw at pinagbawalan ang media sa erya.
Sa tingin ko ay drawing ng DDS senators ang gulo para hindi maaresto ng NBI si Bato.
Pero may ulat na ang unang nagpaputok ay si Aplasca at gumanti ang taga-NBI.
Ang NBI ay nasa loob ng Senado para isilbi ang ICC arrest warrant laban kay Bato. Pero hinarang ito ng Senate Sergeant-at-arms.
Now you know!!!