Advertisers

Advertisers

Grade 12 grinipuhan sa pagpapalakat ng sex video

0 63

Advertisers

Patay ang isang grade 12 na estudyante na inaakusahan nagpakalat ng sex video ng isang babae estudyante  nang saksakin ng ‘di nakikilang salarin sa Hinigaran, Negros Occidental  li

Linggo ng gabi.



Kinilala ang biktima na isang 17-anyos,  grade 12 ng Brgy. 4 Hinigaran, Negros Occidental.

Sa report, 9:50 ng gabi nang maganap ang  insidente sa Brgy. 4, Hinigaran, Negros Occidental.



Nabatid na nakatambay at nakaupo ang biktima ‘di kalayuan sa kanilang bahay nang dumating ang 2 salarin na sakay sa isang motorsiklo.

Agad na sinugod ng mga salarin na aramdong ng patatim at undayan ng saksak sa iba’t-ibat parte ng katawan ang biktima.



Sa kabila ng mga tinamong tama ng saksak ng biktima nagawa pa nitong makatakbo ng bahay at makahingi ng tulong habang ang mga salarin mabilis na tumakas  sa ‘di nabatid na direksyon.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Hinala ng mga otoridad na paghihiganti ang posibleng motibo ng pananaksak dahil pinaghihinalaan na ang biktima ang nagpakalat ng sex video ng isang babaeng estudyante.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan  ng mga salarin at pagkakadakip sa mga ito. (Mark Obleada)