Advertisers

Advertisers

Gobernador ng Masbate at iba pa, sinampahan ng patong patong na kasong katiwalian

0 22

Advertisers

Sinampahan ng patong patong na kasong katiwalian ng local media sa lalawigan ng Masbate ng plunder. malversation, falsification of public documents, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at administrative case ang Gobernador ng Masbate na si Gov. Antonio Kho dahil umano sa mga kuwestyunableng mga proyekto sa naturang lalawigan

Nabatid na may kinalaman ang kaso sa umano’y 21 ghost projects ng gobernador sa iba’t-ibang mga bayan sa Masbate na hindi makita dahil wala namang mga program of works.

Batay sa inihaing reklamo ng complaints sa Office of the Ombudsman ang asosasyon ng mga mamamahayag mula sa Masbate Quad Media Society, Inc. (MQMSI) naghain ang mga ito ng complaint sa naturang Governor at sa ilang iba pa dahil umano sa mga kaduda-dudang mga proyekto.

Nabatid sa reklamo nina Edarlito Doremon Jr. at Ram Sison, pawang mga local radio reporter sa Masbate, bukod umano sa hindi pinakinabangan ng taumbayan ang mga proyekto na mga ipinagawang kalsada sa naturang lalawigan, nawalan din umano ng karapatang mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan dahil umano sa hinihinalang kurapsyon sa mga naturang proyekto sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Kho.

Sinabi pa sa reklamo nina Doremon at Sison, na kuwestyunable din umano ang mga isinagawang proyekto at hinihinalang napunta lamang sa kamay ng iilang tao ang mahigit 420-million pesos na pondo ng probinsya ng Masbate mula 2022 hanggang 2023.

Bukod kay Gov. Kho kabilang din sa mga inireklamo sina Provincial budget officer Liborio Gonsales, Jr., Provincial Accountant Glenda Talisic, Acting Provincial Treasurer Eduardo Arcenas, Jr., Acting Provincial Engr. Ralph Bacolod, Bids & Awards Committee Chairman Atty. Rany Sia at iba pa.

Sinabi pa ng mga complainant na naisakatuparan anila ang mga ghost infrastructure projects dahil sa pagsasabwatan ng nabanggit na mga lokal na opisyal at mga private contractors.

Giit ng mga mamamahayag, bagama’t nanganganib ang kanilang mga buhay dahil sa pagbangga sa gobernador ng lalawigan pero kailangan daw nilang manindigan para sa hustisya at kapakanan ng mga taga-Masbate.

Dahil dito, hinihiling nina Doremon at Sison sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension si Kho at iba pa para hindi nila maimpluwensyahan sa sandaling magsagawa ng imbestigasyon sa umano’y sangkaterbang mga ghost projects sa Masbate. (Boy Celario)