Advertisers

Advertisers

‘PASAWAY’ NA INTSIK SA KALSADA, NAHULIHAN NG DROGA

0 38

Advertisers

ISANG Chinese national ang inaresto ng mga tauhan ng Sub-station 10 (MOA) ,Pasay City Police Station noong Biyernes (Agosto 23) matapos madiskubre sa kanyang pag-iingat ang ilang drug paraphernalias nang mahuli sa aktong umiihi sa pampublikong lugar mula sa isang Barangay sa lungsod ng Pasay.

Ang suspek na kinilalang si Huang, 33-anyos na lalaki, ay nahuli ng mga tauhan ng Sub-station 10 (MOA), Pasay City Police Station habang nagsasagawa ng routine anti-criminality patrol ang mga opisyal alas-12:30 ng madaling araw sa CBP Compound, Coral Way, Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

Ayon kay Pasay Police Chief PCol Samuel Pabonita ,namataan ng kanyang mga tauhan ang suspek na umiihi sa pampublikong lugar. Nang lapitan para mag-isyu ng citation ticket, tinangka ni Huang na tumakas, na nag-udyok sa mga pulis na habulin at hulihin ang dayuhan.



Habang isinasagawa ang standard body search kay Huang, ito ay humantong sa pagkakadiskubre ng mga drug paraphernalia, kabilang ang isang maliit na transparent plastic bag, isang improvised glass pipe, isang improvised plastic bottle, at iba pang may kaugnayan sa droga.

Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa Pasay City Ordinance No. 1572 (Urinating in Public Place), Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), at Section 12, Article II ng Republic Act 9165 (Possession). ng Drug Paraphernalia). (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">