Advertisers
SINABI ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes na may “leads” na ang mga awtoridad sa ki-naroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, nguni’t tumanggi itong magbigay ng detalye dahil sa patuloy na imbestigasyon.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, posible kabilang sa may alam sa lokasyon ng senador si Senador Robin Padilla.
Nauna nang sinabi ni Padilla na nagtatago si Dela Rosa sa kidnapper, dahilan kung bakit ito umalis sa Senado noong Mayo 14.
Tumanggi rin si Padilla na sagutin kung tinulungan niya si Dela Rosa na umalis sa Senado, sa gitna ng mga alegasyong magkasama silang umalis.
Si Dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police at nanguna sa anti-drug campaign ng nakaraang administrasyon, ay may umiiral na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
“Galing siya sa law enforcement… it’s better na harapin niya ‘yung warrant niya, mag-submit siya. Hara-pin niya ‘yung kanyang pananagutan sa batas,” wika ni Matibag.
Dagdag niya, ang boluntaryong pagsuko ay makatutulong sa pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko sa mga institusyon sa gitna ng kontro-bersiya.
“‘Yung sinasabi na nasira ‘yung Senado, that’s the only way also para ‘yung tao rin bumalik din ‘yung magandang pagtingin sa Senado,” aniya.
Binigyang-diin ni Matibag na nananatiling aktibo ang ICC warrant at obligadong mag-monitor at makipag-ugnayan ang mga awtoridad ng Pilipinas sa international tribunal.
“Nasa wanted list siya ng ICC. So, we have a commitment to the International Criminal Court. As a law enforcement, naka-monitor tayo,” aniya, at idinagdag na hindi muna isiniwalat ang operational details upang hindi maapektuhan ang operasyon.
Dagdag pa niya, may inihainng petisyon ang kampo ni Dela Rosa sa Korte Suprema, kaya hihintayin ng mga awtoridad ang desisyon habang nagpapatuloy ang koordina-syon ng mga ahensya.