Advertisers

Advertisers

SolGen sinupalpal si Sen. Alan sa ICC warrant

0 5

Advertisers

SINUPALPAL ng office of the Solicitor General ang naging pahayag ni Senate President Alan Peter Cayetano na kailangan pa ng warrant of arrest mula sa Philippine court bago maipatupad ang ICC warrant laban kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Iginiit ng OSG na may kapangyarihan ang Executive Department na ipatupad ang arrest warrant ng ICC laban kay Bato sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9851, ang batas ng Pilipinas laban sa genocide, crimes against humanity, at war crimes.
Paliwanag ng OSG: Hindi puwedeng gawing absolute shield ang argumentong ‘walang local warrant’ kung may umiiral na batas na nagpapahintulot sa Pilipinas na makipag-ugnayan sa international court.
Si Bato ay co-perpetrators ni dating pangulo Rody Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga patayang naganap noong termino ni Duterte.
Hepe si Bato ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ang ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon kungsaan inilunsad niya ang ‘Tokhang’, pagpaslang sa suspected drug personalities at paglagay sa drug list sa mga kalaban sa politika ni Duterte.
Si Duterte ay higit isang taon nang nakakulong sa ICC facility sa The Hague, Netherlands.
Ang iba pang co-perpetrators ni Duterte ay sina Sen. Bong Go, dating PNP Chiefs Oscar Albayalde at Vicente Danao. Malamang na maiisyuhan narin sila ng ICC warrant. Araguy!!!
Balikan natin si Bato. Kasalukuyan na siyang wanted sa ICC, at pinaghahanap na ng Interpol.
Naaresto na sana ng National Bureau of Investigation (NBI) si Bato noong Mayo 11 nang pumasok ito sa Senado, matapos ang higit pitong buwan na pagtatago simula nang ianunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na meron na itong kopya ng ICC warrant, ngunit kinostudya siya ng Senado.
Pero Mayo 14 ng madaling araw ay umalis ng Senado si Bato sakay umano ng sasakyan ni Sen. Robin Padilla.
Wanted na ngayon si Bato. At pinagtatalunan ang legalidad ng pagpatupad ng ICC warrant laban sa kanya. Tuldukan!
***
May tiwala parin daw si Pangulong “Bongbong” Marcos kay Interior Secretary Jonvic Remulla sa kabila ng mga kapalpakan nito at pagiging madadal kung kaya’t hindi mahuli-huli ang mga most wanted personality tulad nina ex-Congressman Zaldy Co, ex-Presidential spokesman Harry Roque, Senador Bato, ex-Bucor Director Gerald Bantag, at gambling tycoon Atong Ang.
Ito ay nang umugong ang balita na ipapalit kay Remulla si dating Senador Antonio Trillanes.
***
Kinasuhan na ng Department of Justice ng Plunder si Sen. Jinggoy Estrada sa Ombudsman kaugnay ng kickback sa flood control anomaly.
Malamang maiisyuhan uli ng arrest warrant si Jinggoy.