Advertisers

Advertisers

Marie, Raine, Mai, Maiki pambato sa lifestyle at negosyo ng Bilyonaryo News Channel

0 126

Advertisers

PASABOG ang tinaguriang Broadcast sweetheart na si Marie Lozano dahil siya ang headliner sa bagong lifestyle program ng Bilyonaryo News Channel’s titled “LIFESTYLE LAB.”

Tatalakayin ng nasabing documentary-style show ang mga topics about health and wellness, beauty, and fashion in signature Bilyonaryo style of reporting and presentation. At hindi lang ito mapapanood sa free TV kundi maging sa digital world din.

Ieere ang new episodes ng show every Saturday at 10:00AM with repeats at 8:00PM, with replays on Sundays at the same time slots.



Mapapanood din sa “Lifestyle Lab” ang hottest and most talked about treatments and products na tiyak na papatok sa mga manonood. Ipakikita ng veteran journalist and aspirational star na si Marie ang mga latest trends at ibubuking din nito kung ano ang ‘hype’ at ‘real deal.’

Mula sa beauty and cosmetic product reviews, aesthetic treatment and pharmaceutical therapies, to experimental fashion, grooming tips and beyond, makakaasa ang viewers ng isang makabuluhang panoorin kasama ang glamorosang host na si Marie.



Samantala, sa larangan ng negosyo type, dadalhin ng Bilyonaryo News Channel ang business news reporting style sa mas malawak na audience along with its signature programs na sumasakop sa lahat ng base ng business landscape sa bansa.

Nakatakdang maglabas ang BNC ng bagong line-up ng mga programang tutugon sa kanilang followers sa pamamagitan ng mga business and corporate shows.



Ang mga bagong programa na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ay nakatuon sa mga pagbabalita ng news and significant stories.

Ang veteran business broadcaster and the founder of the socially oriented organization dedicated to empowering Filipino youth in business and entrepreneurship na si Maiki Oreta ang hahawak ng Kiddo-preneur with programs “Basis Point” na mapapanood from 9:30am to 10am at “Industry Beacon” na eere naman from 11:30am to 12pm.

Ang “Basis Points” ay magbibigay ng napapanahong update sa performance ng equities market at ang pinakabagong balita sa negosyo at ekonomiya. Habang ang 30-minute business talk show na Industry Beacon ay magpo-provide sa industry experts ng platform para kausapin ang iba’t bang business chambers and leaders for insightful discussions.

Nagbabalik naman sa Philippine television si Raine Musñgi, a distinguished business news journalist and presenter na mag-aanchor at magpo-produce ng “Follow The Money” mula 10:30AM hanggang 11:00AM.

Ang seasoned news and public affairs anchor naman si Mai Rodriguez ang magho-host ng “Pathways to Success” na mapapanood Mondays to Fridays from 11:00AM to 11:30AM.

Mapapanood din sa bagong channel ang previous episodes ng “Usapang Bilyonaryo” ni Ces Drilon habang inihahanda ang new season ng mga bagong programa.

Upang matiyak ang exposure ng mga pangunahing programa na kapaki-pakinabang sa BNC core audience, ang nasabing business block programs ay magkakaroon ng replays from 4:00PM to 6:00PM and 8:00PM to 9:00PM on the same day of broadcast.

Magsisimula nang mapanood sa mas malawak na audience ang BNC sa September 9 on free-to-watch television channel BEAM TV 31 (through digital TV boxes in Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, and Naga), and leading cable TV provider, Cignal Channel 24.