Advertisers

Advertisers

DANIEL INAABANGAN NA ANG ACTION SERIES

0 40

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAGLALARO pala si Daniel Padilla sa Next Generation Basketball League under Colegio de San Juan de Letran.

Nanalo ang team nila laban sa Far Eastern University-Diliman in overtime basis.



The reigning NCAA high school champions etched an 83-82 victory during their Sunday morning faceoff at the Tanduay Gym in Manila.

Nakaiskor ang actor ng 16 points, five rebounds, two assists, and a steal.



Samantala, aside sa sports na pinagkakaabalahan ng aktor, busy na rin siya sa seryeng pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez.

Ang dami na ngang naghihintay sa pagbabalik ni Deejay sa showbiz.



Katunayan, nakapost na sa kanyang IG Feed ang title ng pagsasamahan nila ni Chard, ang Incognito na tila isang action series.

May nagkomento nga na, “Tang… Ito ang roots ng isang padilla, action talaga.”

“Daniel padilla long awaited action movie he was born to do! His career will sore so high”

Koreksyon ng isang commenter, “sore to soar”.

***

JANE AT RK ENJOY
SA RELASYON

MATAGAL na ang relasyon nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Marami ang nagtatanong kung ano ang mga plano nila bilang couple.

Ano nga ba ang mga plano ng real life couple na sina Jane at RK para sa susunod na yugto ng kanilang karera at relasyon?

Sa panayam sa lovely couple, tinapat ng aktres na sa ngayon daw ay nakatuon pa rin siya sa kanyang career.

Sabi naman ni RK, hindi naman daw sila nagmamadali.

Sa ngayon, marami pa raw silang gustong gawin at may mga proyekto pang dapat tapusin.

Ini-enjoy din daw nila nang husto ang kanilang relasyon at di naman sila nagkakaproblema dahil give and take sila sa bawat isa.

Ang nagustuhan umano ni RK kay Jane ay ang magandang ugali ng aktres.