Advertisers

Advertisers

P2K cash gift sa lahat ng ga-graduate sa PLM at UdM- Mayor Honey

0 47

Advertisers

NILAGDAAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang isang bagong ordinansa na naglalayong magkaloob ng cash gift na P2,000 sa bawat magtatapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).

Ang bagong cash incentive ang siyang nilalaman ng Ordinance Number 9068, na siyang ipinanukala ni Manila City Council by Councilor Pamela Fugoso-Pascual at majority floorleader Councilor Ernesto C. Isip, Jr bilang principal authors. Ang PLM at ang UdM at itinatag at pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Sinabi ni Lacuna na ang “Taas-Noo Manileño Graduation Gift Ordinance 2024” ay layong magbigay sa mga magsisipagtaois sa UdM at PLM Ng cash gifts at ito ay epektibo na sa schoolyear 2023 – 2024.



Ayon naman kay Fugoso Ang insentibo ay ipinagkakaloob “in recognition of the vital role of the youth in society and nation-building.”

“Both premier universities have produced graduates that have become significant contributors to nation building, bearing the ideals and aspirations of every Manileno,” giit ni Isip.



Ang bawat recipient ay dapat na enrolled at bonafide Manila resident at mayroong good standing sa UdM o PLM.

Samantala, ipinapanalangin ni Lacuna ang matagumpay ng gamutan sa back injury ng Olympian pole vaulter EJ Obiena at kasama sa dalangin ng alkalde ang mabilisang paggaling ng atleta.



Matatandaan na si Obiena ay pinagkalooban ng P.5 million cash incentive ng Manila city government kamakailan dahil sa fourth place finish nito sa 2024 Paris Oympics.

Si Obiena at true-blue Manileño na tumira at lumaki sa Tondo at mag-aaral ng University of Santo Tomas (UST). (ANDI GARCIA)