Advertisers
INILAHAD ni Police Lt. Colonel Jovie Espenido sa kanyang testimonya sa ikatlong pagdinig ng House Quad Committee na sangkot si dating Philippine National Police ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pagprotekta sa mga taong sangkot sa illegal na droga.
Hulyo 13, 2016, si Espenido ay natalaga bilang hepe ng pulis sa Albuera, Leyte. Ang kanyang mandato ay buwagin ang kartel ng droga na pinamumunuan ni Kerwin Espinosa. Siya raw ang pinili ni Dela Rosa kasi siya lamang ang may kakayanan buwagin ang nasabing kartel.
Nagawa ngang durugin ni Espenido ang kartel sa loob ng 18 araw, at sa kalaunan ay sumuko sa kanya ang ama ni Kerwin na mayor ng Albuera na si Rolando Espinosa.
Habang nasa bilangguan, sinabi ni Mayor Espinosa na sila ay nagpupuslit ng bayad sa mga opisyal ng PNP para mapanatili ang operasyon ng droga sa rehiyon.
Ayon sa testimoniya ni Espenido, pagkatapos niyang iulat kay Dela Rosa ang operasyon, pinagbintangan siya ng dating hepe ng pulis na siya ay tumatanggap ng P20,000.00 na kabayaran para mapanatili ang ilegal na droga sa rehiyon.
Si Dela Rosa rin ang may pakana kaya na-dismiss ang mga kaso laban sa mga Espinosa.
Ito aniya ay mga pamamaraan ni Dela Rosa upang protektahan ang mga Espinosa at mapanatili ang operasyon ng droga sa Albuera.
Sa kalaunan nilipat si Espenido, itinalagang hepe ng pulis sa Ozamiz City upang buwagin naman ang operasyon ng droga na pinamumunuan ng mayor na si Reynaldo “Aldong” Parojinog.
Nagawang mapatay si Aldon Parojinog pati ang ilang kaanak nito sa isang operasyon na ginawa ng PNP.
Si Parojinog ay isinama ni dating Pangulong Duterte sa kanyang listahan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa paglago ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Espenido, pagkatapos mapatay si Parojinog, siya ay binati nina Duterte at Dela Rosa ng isang magaling na trabaho.
Sila Duterte at Dela Rosa ay may mga kinikilangan na indibidwal kungsaan sila ay nakakatanggap ng benepisyo. Walang awa silang nagpapapatay ng tao na kalaban nila diumano sa sarili nilang operasyon ng droga, at prinoprotektahan ang mga taong tumutulong sa kanya.
Sa katotohanan, sa panahon ng pagiging pangulo ni Duterte, lumaganap ang pagpatay ng mga indibidwal na konektado sa droga at ginamit ng dating pangulo ang pulisya upang gawin ang kanyang mga masasamang hangarin.
May kinikilingan sina Duterte at Dela Rosa noong sila ang namumuno, at siguro’y sila ang mga tao na makakaprotekta sa sarili niyang kartel sa Pilipinas.
Actually hindi lang si Espenido ang nagsabi ng ganito laban kina Duterte at Dela Rosa.
Ang umaming hitman ng Davao Death Squad na si retired SPO4 Arturo Lascañas ay nagsabi rin na sina Duterte at Parojinog ay magkaibigan. At kaya pinapatay si Parojinog ay dahil kalaban ito sa negosyong droga.
Kung maipapatawag din sana ng Quad Comm si Lascañas pagkatapos nitong si Espenido ay siguradong mas maraming malalamang kahindik-hindik ang publiko.
Oo! Kung napakinggan ninyo ang mga interview kay Lascañas pati kay Police Lt. Colonel Eduardo Acierto katugma ang kanilang mga sinabi sa inilahad ni Espenido.
Subaybayan!