Advertisers
MAAGANG tinamaan ng antok at kagyat na naghanda sa pagtulog. Naglatag ng hinihigan at makapaglatag, dinampot ang cellphone upang manood sa Youtube ng makatulog. Saglit ang lumipas humiga’t pumikit ang mga mata. Maya mayaý nabitawan ang hawak na cellphone na hudyat na tuluyang ng pagkakatulog. Makalipas ang ilang oras sa pagpikit nariyan na ang paghihilik na masasabing nakatulog at bukas na ang susunod na kabanata. Sa pagtulog, namalayan ng asawa ang paghahabol ng hininga’t dagling inalog upang gisingin. Dumilat ang mata ngunit ‘di kagyat na bumangon sa halip nagtanong kung bakit? Narinig ng asawa na hinahabol ang hininga kaya’t ginising dahil baka kung ano ang mangyari. Doon nalaman na nanaginip at napilitang tumayo upang uminom ng tubig. Muling nagpalipas ng sandali bago bumalik sa higaan at tuluyang natulog.
Kinaumagahan, nagkape’t muling binalikan ng isip ang napanaginipan at totoong nawala sa wisyo sa panaginip este sa bangungot. Bangungot dahil si Inday Sipa ang bida sa panaginip na nakikipag beso kay Lizarda kaibigan sa puno ng Balite sa Malacanan. Masarap ang tawanan ng dalawa na talagang walang namamagitan na likha ng bangungot at halos balutin ang buong Heroes Hall sa lakas ng tawa. Sa panaginip nariyan ang mga papuri ni Lizarda at na palakpak sa galing ng binibida ni Inday Sipa. Gayun din ang saya ng maraming bisita na totoong humahanga sa galing ni Inday Sipa sa kwentong kwela. Habang sa isang banda ng piging, makikita ang tagapagsalita ng Kamara na galak na lumalapit kay Inday Sipa na bukas kamay o palad na tinatangap ang masayang istoryang ibinabahagi. Walang mapait o nakatagong ‘di pagkakaunawaan ang mga nasa piging at puro papuri ang mga binabatong pahayag ng anumang panig, sana ol.
Sa panaginip, maganda ang relasyon ng mga tao dahil naroon ang ngiti ng halos lahat at lumipat man o nadako sa grupo ng taga-Senado nakitang nag-uusap ng may tapikan sina Inday Sipa, ibang senador higit ni Sen. Risa. At sa pagharap sa pagdinig hinggil sa kaperahan ng tangapan ni Inday Sipa, papuri ang lumabas sa bibig ng senadora at hindi tumagal ng tatlong minuto ang pagdinig at nagmungkahing ipasa ang panukalang budget ng walang bawas at nagmungkahi na dagdagan ang pondo ng tanggapan ng abalang pangulo. Di ba napakaganda ng relasyon ng mga tao sa panaginip.
Na iba sa katotohanan. Sa pagharap ni Inday Sipa sa kabilang bahay ng Kongreso, naghihintay sina Kong France at Kong Stella upang bigyan pagkilala ang abalang pangulo. At sa pagdinig, tulad ng sa Senado hindi nagtagal o lumalim ang usapan at kagyat na hinayaan magsalita ang abalang pangulo. Sa pagsasalita, papuri’t iminungkahing gawing regular ang pagdalaw o imbita ng laging nakadaupan ang dalawang matalik na kaibigan. Ikinagalak ng dalawang mambabatas ang banggit at siya ring pagtayo’’t nagmungkahing itulak sa plenaryo ang pondo ng tangapan ni Inday Sipa. Hindi ka ba naghahabol ng hininga sa ganitong panaginip?
Sa pagbabalik sa bangungot na naranasan, pasalamat at ginising ng asawa dahil narinig ang pag-ungol. Doon nabatid na binabangungot dahil habol ang hininga na ibig putulin ang masamang panaginip. Malupit ang panaginip na kabaliktaran ng kaganapan sa tunay na nangyayari. Hindi makayanan ang pait ng panaginip dahil ang malinaw na hindi totoo at ibig patigilin ang hininga sa maling likhang isip.
Malikhain ang isip higit kung nasa estado ng kawalang malay o panaginip na lumilikha ng kaganapan o bagay na‘di nalilikha kung nasa estado ng kamulatan. Tunay na hindi mapagsasama ang dalawang tao magkabila ang adhikain sa buhay o ang interes ang pinag-uusapan. Malinaw na ‘di magagawa ng mga mambabatas na makipag-orocan kay Inday Sipa higit sa pagtatanong kung paano ginastos ang P125M sa loob ng 11 araw. Ang karapatan ng mamamayan na mabatid kung paano ginugol ang nasabing halagaý napaka importante na malaman ng Pinoy.
Dahil importante at kapakanan ng bayan ang pinag-uusapan hindi papayag ang tulad ni Sen. Risa o ni Kong France ang pumasa na lang ang isang panukala ng ‘di nag-uusisa o magtatanong higit kaperahan ng bayan ang nakasalang. Habang sa kabilang banda hindi umaasa na maging kampante si Inday Sipa sa tanong na ibinabato higit kung kaperahan para sa kapritso ang usapan.
Sa mulat na diwa, natunghayan ang pagdinig hinggil sa pondo ng tanggapan ni Inday Sipa, na kinaiinisan ang maraming tanong na ibinabato ng mga mambabatas. Sa totoo lang, paglilinaw ang ibig malaman kung saan at paano ang pagtustos sa loob ng 11 araw ang halaang P125M at upang mapabilis ang pagdinig sa inihaing bagong pondo ng tanggapan ni Inday Sipa. Dahil pikon, ayaw sagutin ng abalang pangulo ang mga tanong hayun; nag-init ang ulo at nakipagpalitan ng sagutan na nagpatigil sa pagdinig sa budget ng Opisina ng Vuwang na Pangalawang Pangulo (OVP). Ang masakit, ibig ni Inday Sipa na mapalitan sa komite ang tserperson na dumidinig sa inihaing pondo. Ang masakit, lumagpas sa hangganan at ‘di sakop ng panukala ni Inday Sipa. O’baka mapalitan pa ang tagapagsalita ng kamara ni Inday Sipa dahil sa dami ng tanong ng mga alagad nito. At ang kabaligtaran ng bangungot na karanasan.
Maganda ang panaginip dahil nagkakaisa ang lider ng bansa sa pagsulong ng ilang mabuting panukala para sa bayan. Ang mabuting relasyon ng bawat sangay ng pamahalaan ang nais ngunit bakit naghahanap ng hangin upang mapanatili ang buhay dahil sa panaginip ng pagkakaisa ng lider ng bansa. Sa mulat na diwa, mas madaling pagsamahin ang tubig at langis sa punto ng pagkakaisa kumpara sa sari-sariling interes ng lider na ‘di makatayo ng sabay higit sa kapakanan ng bayan. Hindi sakim ang marami sa mga kinatawang bayan at ang dahilan kung bakit nakahiwalay ang mangmang ng kaTimugan.
Sa bangungot na naranasan iisa ang malinaw, maghahabol ng hininga kung ang panaginip ay ang tungkol sa kaayusan ng kaTimugan higit ni Inday Sipa. Naging bangungot ang panaginip dahil kagalingan ni Inday Sipa ang nabuo na kabalintuaanan ng katotohanan. Salamat sa asawang alerto at ginising sa bangungot na dulot ng kaTimugan. Panghuli, Mang Juan at kababayan sanaý magising kayo sa ginawa ng kaTimugan sa nakaraan para sa kinabukasan
Maraming Salamat po!!!!