Advertisers

Advertisers

‘Puro angas, walang talas’

0 31

Advertisers

ITO ang matapang na pahayag ni Akbayan President Rafaela David laban kay Bise Presidente Sara Duterte matapos mapanood at mapakinggan ang mga sagot ng huli sa pagdinig ng Kamara para sa budget ng Office of the Vice President para sa taon 2025.

Simple lang naman kasi ang mga tanong ng mga mambabatas, base sa Commission on Audit (CoA) report, at sa mga nakalinyang programa ng OVP sa sunod na taon.

Pero sa halip na sagutin ng maayos ang mga tanong ng kongresista ay siya pa ang matapang, ipinakita ang kawalan ng respeto sa mga mambabatas. Wala raw “rules rules” sa kanya. Araguy!!!



Ipinakita ni Sara sa pagdinig na ito ang kanyang ugaling bastos, hindi pang-Presidente. Walang substance ang kanyang mga sinasabi. “Puros lang angas, walang talas”, sabi ni David.

Bigla nga raw nagkalasan ang mga kaalyado ni Sara matapos nilang mapanood at mapakinggan ang inasal ng pangalawang pangulo ng bansa. Hindi ito kanais-nais. Nakakatakot anila maging lider ng bansa ang katulad ni Sara. Mismo!

Sabi nga ng mga kilalang brodkaster tulad ni Arnold “Egan” Clavio, ngayon lang siya nakakita ng isang opisyal ng gobyerno na nanghihingi ng pondo (taxpayers money) sa mga kinatawan ng mamamayan ay siya pang matapang sa hinihingian. “Pag humingi ba kayo ng pera sa nanay n’yo ay kayo pa ang matapang?”

Self destruct ang ginagawa ni VP Sara. Ano kaya ang masasabi ng 32 milyong naghalal sa kanya noong 2022? Ihahalal pa kaya uli siya sa 2028 para pangulo ng bansa? Tanga na ang mga Pinoy kapag ibinoto pa uli si Sara. Mismo!

***



“The audacity of VP Sara in the House budget hearing is extraordinary, and has never been seen before in the entire history of Congress. The VP may be an impeachable official, but her office does not enjoy fiscal autonomy. Of course, the house can also impeach her for betrayal of public trust,” sabi ni dating Senator Leila de Lima.

Aba’y sa ipinakitang kawalan ng respeto ni Sara sa mga mambabatas sa mga pagdinig sa pondo ng kanyang tanggapan, palagay ko e mabilis pa sa alas-kuwatro siyang mai-impeach.

Kahit sa Senado ay siguradong mapapatalsik siya. Peks man! Wala nang nagkakagusto sa kanya. Baka pati ang mga saradong “bata” ng kanyang ama na sina Senador Bato Dela Rosa at Bong Go ay hindi narin siya susuportahan.

Subaybayan!

***

Determinado ang pambansang pulisya na halughugin ang buong compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Barangay Buhangin, Davao City sa paniwalang dito nagtatago ang puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Ang 30-ektaryang compound na mayroong 50 istraktura kabilang ang napakalaking King of Dome, mas malaki pa sa Philippine Arena ng INC sa Bulacan, na natuklasang mayroong basement at mga sekretong kuwarto at mga lagusan.

Naniniwala ang PNP na makikita nila si Quiboloy sa mga nakatagong kuwarto ito gamit ang aparatus na nakaka-detect ng tibok ng puso ng tao.

Nagdagdag pa ng 100 PNP personnel para halughugin ang compound. Subaybayan!