Advertisers
Online survey man o scientific na survey ay talaga namang namamayagpag si Yorme Isko Moreno Domagoso.
Ibig sabihin lamang nito ay hinahanap hanap na talaga si Yorme ng mga Manileño.
Paano ba namang hindi ito hahanap hanapin, sa liderato, pakisama, at pagmamalasakit sa tao ay makikita ang kanyang pinagkaiba sa ibang mga namuno at namumuno.
Sabi nga ni Yorme Isko, bakit pa ba siya pinapabalik ng tao eh mayroon namang nakaupo? Isa lang naman ang ibig sabihin nito – mas epektibo ang kanyang liderato.
Hindi kinakailangang maghanap ng tao o hindi kinakailangang pabalikin at hanap hanapin siya ng nakararami kung epektibo naman o nahigitan ang nagawa niya ng kasalukuyang nakaupo.
Ayon sa latest na survey, aani ng 85.4% si Yorme kung one on one ang kanilang magiging laban ng nakaupong alkalde. 83.0% naman kung tatlo silang maglalaban nila Sam Versoza at Honey Lacuna.
Kitang-kita na kahit pa pagsamahin ang magiging boto ng dalawa at kahit pa doblehin pa ay hindi talaga ito uubra kay Yorme Isko Moreno Domagoso.
Kaya naman, ang sigaw ng mga taga Maynila ay, YORME BUMALIK KA NA!