Advertisers
HINDI namin alam kung batid ni Sara Duterte na nakakasa na ang impeachment niya sa Kongreso. Sa ayaw at sa gusto niya, tatanggalin siya ng Kongreso bilang pangalawang pangulo ng bansa. Sa ayaw at gusto ng grupong Dabaw, mawawala silang lahat pagsapit ng 2025. Hindi sila bibigyan ng pagkakataon ng naghaharing koalisyon ang makaporma upang agawin ang poder sa mga susunod na halalan.
Maingay ngayon ang dalawang sangay ng Kongreso – Camara de Representante at Senado. Iisa ang pakay ng maraming mambabatas ng naghaharing koalisyon at oposisyon. Ito ang idiin si Sara sa lahat ng kapalpakan sa Deped. Hindi siya tatantanan ng mga mambabatas upang palabasin sa mata ng sambayanan na hindi marapat si Sara na manatiling pangalawang pangulo dahil korap at palpak.
Hindi ito inaasahan ni Sara. Kahit sa huling sandali, kaibigan ang tingin niya kay BBM. Huli na ng naintindihan niya na mayroon special operations laban sa kanya. Hindi siya nakapaghanda upang salagin ang lahat ng batikos sa kanya ng mga mambabatas na kabilang sa magkabilang kampo – administrasyon at oposisyon.
Masahol pa siya sa itinustang matsakaw sa dami ng banat na inabot niya sa mga kalaban sa pulitika. Ang nakakapagtaka ay hindi masyadong kilala ang mga mambabatas na pumagitna upang tirahin siya mula ulo hanggang paa. Ang nakakagulat ay tinira si Sara ng walang puknat hanggang halos nawalan siya ng ulirat.
Sino ang nakakakilala kay Kin. Jinky Luistro ng pangalawang distrito ng Batangas at Kin. Richard Gutierrez ng One-Rider Party List? Sino ang may ideya kung sino si Kin. France Castro ng ACT Teacher Party List?
Sa Senado, sina Sen. Risa Hontiveros at Coco Pimentel ang pumagitna upang isa-isahin ang mga kasalanan ni Sara sa bayan. Hindi kailangan ang ibang senador upang hatawin siya. Mas kailangan sila sa botohan kapag may impeachment trial na sa Senado. Nakakapagtakang tahimik lang si Bong Go at Bato dela Rosa na parehong taga-Davao City. Kilala sila sa kapurulan ng pag-iisip.
Sa dami ng ingay, iisa ang lumalabas na konklusyon. Papahinog na ang sitwasyon upang ihain sa Camara de Representante ang impeachment laban kay Sara Duterte. Pagkahaba-haba ng prusisyon sa Camara de Representante rin ang tuloy upang umpisahan alisin si Sara bilang pangalawang pangulo.
May sapat na bilang ang mga mambabatas na kontra kay Sara upang ihain ang impeachment sa Camara. Mabilis iyan at hindi na pahahabain ang usapan. Kapag nagbotohan at sumang-ayon ang mga nakakarami, kagyat itong dadalhin sa Senado upang dinggin ang reklamo kontra kay Sara. Maaaring kumampi ang tatlong senador kay Sara – Robin, Bato, at Bong Go na pawang malapit kay Gongdi. Ngunit boboto laban sa kanya ang hindi bababa na 16 na senador.
Malupit ang pulitika. Hindi siya bibigyan ng pagkakataon na makabalik dahil makakaganti pa siya. Totoong tatanggalin siya sa puwesto upang hindi na makabalik at makapaghasik ng lagim ang pamilya Duterte.
***
ANG tanong ay kung katwiran na tanggalin sa puwesto si Sara. Hindi pinag-uusapan kung may ginawang mali o tama sa impeachment case. Ang isyu ng impeachment ay kabilang mga usaping pulitikal. Isa itong political process.
Natutuloy ito kung may suporta sa bilang ang nagpapanukala. Lumalabas na may mambabatas na nagkukumbinsi sa mga kapalpakan ni Sara sa Deped at iba pang opisina. May sapat na bilang mula sa magkabilang kampo ang kilusang impeachment kay Sara.
Hindi kabilang sa oposisyon si Sara. Nagpapanggap lang na oposisyon si Sara. Hindi siya katanggap-tanggap na maging kabilang ng oposisyon. Pinagtatawanan siya ng mga grupong oposisyon tulad ng Liberal Party, Akbayan, at Magdalo.
Kasado na ang special operations laban kay Sara. Uubusin ang mga Duterte upang hindi na sila makapayagpag sa pulitika ng bansa. Mawawala na sila sa pulitika ng bansa.
***
HAYAAN ninyo maibabahagi ko sa inyo ang oratorical piece ni Doy Laurel na nagpanalo sa kanya sa tatlong pangunahing paligsahan noong estudyante siya ng batas sa UP College of Law. Nanalo siya sa mga sumusunod: 1949 Civil Liberties Union Inter-University Oratorical Contest; 1950 UP Open Inter-Collegiate Oratorical Contest; at 1950 Student Councils Association of the Philippines Inter-University Oratorical Contest. Naging senador si Doy. Siya ang pangalawang pangulo ni Cory Aquino. Nakakalungkot dahil wala na tayong ganitong paligsahan.
CHILD OF PERFIDY
I am not a genius, much as I like to be, nor am I a fool, although I have on some occasion been called such.
I am not an expert on public affairs, nor an authority on government.
There are many things that I am not, and many more that I cannot do.
These are my great disqualifications to speak to you tonight on such a vital topic as I have chosen.
But I have not come to teach, nor to preach, nor to inform. Rather I have come to confess a predicament in which I find myself.
And predicaments are my specialty. For I belong to that species of humanity which flourishes in predicaments and which is often referred to as the “Youth of the Land.”
Youth – ignorant. Youth – frivolous. Youth – immature. Youth – incapable.
These are my credentials. They have been stamped upon me and upon them do I stand to speak my piece.
My ignorance gives me courage.
My insignificance protects me.
Youth is my armor.
And impetuosity – my weapon.
***
MGA PILING SALITA: “Sara’s stupidity will do her in. She’s weaving a rope that’ll later be used to strangle her.” -Sahid Sinsuat Glang
“The endgame is to impeach Misfit Sara and make 2028 an open field for all contenders. Democracy is real without any Duterte in 2028.” – PL, netizen, kritiko