Advertisers
NAIWAN nag-iisa si Sara. Wala halos siyang kakampi. Desperado dahil kinasusuklaman. Hindi malaman kung anong uri ng hayop sa pulitika. Hindi na siya kabilang sa naghaharing koalisyon bagaman hindi rin siya kasapi sa oposisyon.
Hindi kilalang deboto ng Birhen ng Penafrancia sa Naga City. Pumunta siya sa siyudad noong nakaraang linggo. Biglang nakipagkita kay Leni Robredo, ang pangalawang pangulo ng kanyang ama. Nakipag-usap sa loob ng isang oras kahit hindi sinabi ang pinag-usapan maliban sa nakipagbatian umano sa kandidatong tinalo ni BBM noong 2022.
May tsismis na kinumpirma ni Sara na dinaya si Leni sa laban niya kay BBM. Nagtanim umano ng intriga sa nakalipas na halalan. Walang sinabi kung ano ang reaksyon ni Leni. Hindi rin sinabi kung sineryoso ni Leni ang sinabi umani ni Sara na hindi nab ago dahil ito ang sinasabi ni Hen. Eliseo Rio na nagsabing nandaya ang kampo ni BBM.
Kung totooo ang sinabi ni Sara kay Leni, kasamang nandaya si Sara laban kay Kiko Pangilinan, ang kanyang katunggali. Hindi ito malayo sa kumpisal ng salarin. Seryosohin kaya ito ni Leni? Paano niya ito ipinahiwatig sa kanilang katunggali noong 2022?
Wala kaming nakikitang dahilan upang makipagkita si Sara kay Leni. Kahit sabihin niyang biglaan at hindi inaasahan at idagdag pa na hindi siya mukhang “nababagabag” sa inabot niyang batikos mula sa mga mambabatas, mukhang aburido si Sara dahil totoong mawawalan siya ng puwang sa pulitika ng bansa.
Isa ang solusyon sa suliranin niya at ito ang isama niya si BBM sa kawalan. Sa maikli, hahatakin niyang paibaba si BBM. Pare-pareho na lang tayong magdusa, ito ang katwiran ng desperado. Lilinaw ito sa mga susunod na araw.
***
ISA si Kin. Jinky Luistro ng ikalawang distrito ng Batangas sa mga maaasahan na mambabatas sa Camara de Representante. Masusing siyang naghahanda sa mga public hearing ng QuadCom na kasalukuyang nagsisiyasayat sa mga EJKs sa ilalim ni Gongdi at paglaganap ng POGO noong panahon ng mamamatay taong pangulo.
Baguhang mambabatas si Luisto ngunit napansin ng maraming netizen bilang isang magaling at maayos na mambabatas. Batay sa kanyang mga tanong sa nahuling pugante ng si Alice Guo na tumakbo siyang alkalde ng bayan ng Bamban, Tarlac upang papasukin ang mga kumpanyang POGO sa Bamban.
Napatunayan rin ni Luistro na nakipagsosyo pa rin si Guo sa pangkat ng mga Intsik kahit alam niyang mga pusakal na kriminal sila sa China at Singapore. Pinapasok niya si Guo sa bitag na hindi papasok ang isang matinong tao sa pakikipagnegosyo sa mga taong hindi pagtitiwalaan.
Sangkot ang mga kasosyo niya sa money laundering. Hindi niya ito napasubalian, aniya. Sinabi ni Jinky na madulas si Guo sa mga tanong at trained siya upang umiwas sa mga matinding tanong. Lumalabas na utak kriminal.
May mga nagtatanong kung tatakbong senador si Luistro s 2025. Inamin niya na hindi pa dumating ang panahon upang tumakbo st Senado at may mga pakay pa siya sa kanyang distrto. Sinabi niya na itinaas ni Ispiker Martin Romualdez upang opisyal na kandidato siya ng Lakas-NUCD sa ikalawang distrito ng Batangas.
***
MAY isinulat akong sanaysay noong 2019 tungkol kay Sal Panelo. Pakibasa:
SAL PANELO THE SNITCH
“LOOK who’s talking. Eto ay kuwento lang sa akin ng mga kaibigan na nag-aral sa UP. Bago ang 1972 deklarasyon ng martial law, isa si Sal Panelo na recruited bilang kasapi ng isang mass organization. Hindi ko lang nalaman kung Kabataang Makabayan (KM), o Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK). Nagtatag siya umano ng Samahang Radikal.
Nang ideklara ang martial law, isa si Sal Panelo sa mga nadampot. Hindi ko lang alam kung nakulong. Pero alam ng mga kaibigan na taga-UP, na nagtuturo sa militar si Panelo ng ibang kasama. Snitch ang tawag sa mga ganyan. Iyan ang tawag sa kanya kasi he was a squealer. Mahina ang dibdib sa laban. Dinaga, anila.
Siempre, napakawalan na siya ng militar kasi wala na siyang silbi. Iyan ang public image niya sa mga aktibista: snitch o squealer. Nagkaroon rin ng background check sa kanya at nalaman na hindi lang siya dinaga sa dibdib. Nagkaroon umano ng nervous breakdown. Nerbiyoso pala.
Nagkaroon ng anxiety at panic attacks, bordering on the neurotic. Kinaawaan kaya hindi pinag-initan. “Lumuwag,” eh. Iyan ang taguri sa kanya. Ngayon, siya ang magtatakda ng mga kakapitang paniniwala tungkol sa batas militar.