Advertisers
Ni Rommel Gonzales
HINDI pa talaga matatapos ang usapin ng sexual harassment na may kaakibat na indecent proposal sa showbiz, partikular na sa mga lalaking artista.
Laging natatanong ang mga guwapo at hunk male stars tungkol dito lalo pa at sila ang lapitin ng ganitong sitwasyon.
Tulad na lamang ng dalawang Vivamax actors na sina Mon Mendoza at Calvin Reyes na mga bida sa F Buddies.
Nakakaloka kung sumagot ang dalawa, lalo na si Mon na matapang at mapangahas magbitiw ng salita, nagbibiro man o hindi.
Sa tanong kung ano ang magiging reaksyon niya kapag may natanggap siyang indecent proposal ang sagot nito ay, “Kung sakaling meron, baka pumayag ako!”
Pero sinundan ito ni Mon ng “Joke lang po!
“Kasi kumbaga, nasa sa iyo naman po yun kung papayag ko o hindi.
“Pero mas masarap na maranasan yung tagumpay kung galing ka sa ibaba. Yung paghihirapan mo po muna talaga.”
What if bongga ang offer, malaking halaga ng pera, o condo unit o kotse kapalit ang katawan ni Mon?
“Kahit tempting, pero siyempre magdadalawang-isip ako,” deretsahang sagot ni Mon.
“Kasi paano po kung maganda yung offer, di ba? “Hihiga ka lang naman.”
Kaloka siya di ba, at least honest si Mon.
Matindi rin ang sagot niya sa tanong kung naniniwala ba siya sa kasabihang ‘lalaki naman kaya walang mawawala’?
“Naniniwala po ako, huwag ka lang po sigurong matitira sa puwet,” nakakabaliw pa rin sagot ni Mon na ikinatuwa namin. Charot!
Si Calvin naman honest ding ibinulgar na may mga natatanggap siyang mensahe lalo pa noong napapanood na siya sa mga sexy projects ng Vivamax.