Advertisers

Advertisers

Kim tumanggap ng Outstanding Asian Star award; Maris at Anthony magdyowa na?

0 56

Advertisers

Ni Rommel Placente

LUTANG na lutang ang ganda ni Kim Chiu nang rumampa ito sa purple carpet sa KBS hall kung saan ginanap ang Seoul Drama Awards.

Sa audience ay maririnig ang Pinoy fans na sinisigaw ang pangalan ni Kim. Patunay na ganun kalawak ang fanbase ng aktres.



Pero syempre, ang pinaka-highlight ng event ay ang pagtanggap ng aktres ng “Outstanding Asian Star” award sa 19th Seoul International Drama Awards.

Sa kanyang acceptance speech ay pinasalamatan ni Kim ang mga taong nasa likod ng matagumpay niyang career.



Umiyak siya nang banggitin ang yumaong Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal, na palagi raw nagpu-push sa kanya na ibigay ang best niya.

“I’m truly overwhelmed to be standing here tonight with pride and honor. I want to express my gratitude to these incredible people who made this moment possible. First my company, ABS-CBN, Star Magic, Direk Lauren who is here tonight, thank you for always believing in me.



“To the team behind the show ‘Linlang’… Dreamscape Entertainment family… to my co-stars, without your hard work, guidance, passion and vision, none of these would be possible. I share this honor with every single one of you.

“And to my ever loving, supportive fans, this award is also for you And lastly I want to dedicate this honor to the person who is no longer with us, my boss, my mentor and my dear friend, Sir Deo,” aniya pa.

***

MAG-JOWA na ba ang magka loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings? Marami kasi ang nakapansin sa couple shoes ng dalawa na Adidas black and white Samba.

Nakunan sila ng larawan habang nakaupo sa hagdanan at kausap si Richard Gutierrez habang si Barbie Imperial naman ay nagpa-picture sa kababayang nasa Italy.

Kahit si Xian Gaza ay napansin ang couple shoes nina Maris at Anthony. At nag-comment siya ng “Nice shoes”

Hanggang sa nag-viral na ang larawang ito at binilugan pa ng netizens na marami na ang nag-share at isa na ang Facebook user na Lycare Personal Essentials na may 192,000 followers.

Inalala ng nasabing FB user ang pahayag noon ni Maris nang aminin niya sa mediacon na hiwalay na sila ni Rico Blanco at ipinagdiinang hindi raw ang ka-loveteam niyang si Anhony ang dahilan ng breakup.

Ni-repost pa ang statement ng aktres dati na, “Huwag idamay si Anthony sa issue ng breakup namin ni Rico. Anthony is out of the picture here. It’s just mainly me and Rico. Mainly me, I’m the issue.”