Advertisers

Advertisers

Kim tinawag na papi si Paulo

0 34

Advertisers

Ni Archie Liao

SEY ng kibitzers, tila kinumpirma na raw ni Kim Chiu na dyowa niya ang rumored boyfriend na si Paulo Avelino nang tawagin niya ang huli bilang “Papi.”

Nag-trending kasi ang palitan nila ng mensahe sa social media na nagdulot ng kilig sa kanilang mga tagahanga.



Matapos kasing tanghaling Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang pagganap bilang Juliana sa seryeng “Linlang”, isa si Paulo sa mga unang bumati kay Kim.

Kinongratulate ng aktor si Kim sa Instagram na pinusuan naman ng KimPau fans.



As if it were not enough, binati rin ng aktor ang kanyang co-star sa X social media account.

Sa X, nagpost ang aktor ng imahe ng tatlong puppies o mga asong pumapalakpak na may caption na “Congratulations.”



Binigyang kahulugan naman ng kibitzers ang nasabing clip bilang pagpapahayag ng pagmamahal ng aktor sa kanyang rumored girlfriend.

Tweet na sagot naman ni Kim kay Pau: “Wew nemen! Thank you papi! Ay Pau pala! Hihihi”

Ito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa palitan ng kanilang mga mensahe sa socmed.

“3 Clapping dogs? Ayssuuuus”

“Yeheyyyyy!”

“Ay ayaw magpatalo na sa IG lang ang Congratulatory niya dapat hanggang dito sa X eh . Ayie!”

“Aw!! Papi yarn? Cute cute”

“The proudest Oppa ni Kimmy”

“mas Panalo ka @mepauloavelino ganda ng Asawa mo, ai jowa, ai partner, ai loveteam..”

“As a delulu fan iisipin ko nalang Yung tatlong aso is I love you ??Bakit kase tatlo pwede naman Isa lang ??wala lang pinapakilig ko lang Sarili ko ????”

“Pakasal na kayo”

“uyyy tutok din sya”

“Bakit kaya 3 dogs? Pwede nmn 1 or 2 pero 3, ehemmmm parang tunog ILY sobrang mahal ko na ang KimPau.”

“Iloveyou ba ibig sabihin nyan mga dog kaya 3? ???”