Advertisers

Advertisers

Aljur masaya sa pagtigil ng labs na si AJ sa pagpapaseksi

0 33

Advertisers

Ni Rommel Placente

ISA sa cast ng advocacy series na WPS (West Philippine Sea) si Aljur Abrenica. Gaganap siya rito bilang isa sa mga spies, at pinsan ni Lance Raymudo. Kasama rin sa WPS ang girlfriend ni Aljur na si AJ Raval, at ang daddy ng dalaga na si Jeric Raval.

Sa zoom mediacon ng WPS, sinabi ni AJ na hindi na raw siya magpapa-sexy sa pelikula. Gusto niya na raw gumawa ng mga wholesome role, kaya tinanggap niya ang WPS.



At happy siya na makakatrabaho ang ama dahil noon pa raw ay dream niya ng makasama ito sa isang proyekto.

“Since nandito po ‘yung tatay ko (sa WPS), mas magiging comfortable po ako and I feel safe.



“Matagal na pong artista ang tatay ko at gumagawa na rin naman po siya ng mga advocacy films,” sabi nI AJ.

Sa tanong kay AJ kung bakit nagdesisyon siyang balikan ang pag-arte, to think na sinabi niya umano rati na iiwan niya na ang showbiz, ang sagot niya, hindi naman daw niya sinabi na tatalikuran niya na ang showbiz. Kung nawala man daw siya pansamantala sa limelight, ‘yun ay dahil nagtapos muna siya ng pag-aaral, at mas itinuon ang pansin sa mas makabuluhang bagay,



Kinuha naman ang reaksyon ni Aljur sa naging desisyon ni AJ na tigil na ito sa pagpapa-sexy.

“Tuwing magkasama kami, nababanggit niya yun sa pamilya niya. Naging masaya ako sa naging desisyon niya.

“Ako naman, lagi akong nakasuporta sa mga kaibigan ko, sa mga taong mahal ko, kung anong gusto nilang gawin,

“Well, I’m happy and proud of her. Kasi hindi siya ganoon kadaling..parang ano siya, next step sa gusto niyang gawin.”

Ang producer ng WPS ay ang KSMBPI Film Division Production ni Doc Mike Aragon. Ayon sa kanya, walang talent fee ang lahat ng mga kinuha niyang artista sa kanyang advocay series na mapapanood sa mga streaming platforms, “Ang mga talents na ‘to, hindi ko binabayaran ng TF (talent fee) ha. Libre ito.

“Even Viva is not getting any manager’s commission. Tulong ito. Ang nabibigay lang namin sa kanila ay honorarium for food, transportation, and basic expenses.

“The people here in front of you are real heroes, bayani sila. Maraming artista, gumagawa ng projects pero unang tanong, ‘Magkano TF ko d’yan?’ Ito, wala. Nang sinabi ko sa kanila na ito ang problema, naintindihan nila. And they’re here in front of me,” sabi ni Doc Mike.

Bukod kina AJ, Aljur at Jeric, kasama rin sa WPS sina Ali Forbes, Rannie Raymundo Massimo Scofield, at Ayanna Misola.

***

SOBRANG nagpapasalamat ang aktres at dating beauty queen na si Carleen Aguilar kay Jennylyn Mercado dahil sa unconditional love na ibinibigay nito sa anak nila ng ex na si Dennis Trillo na si Calix.

Nag-post kasi si Jen sa kanyang Instagram page ng mga litrato ni Calix na kuha nang lumaban ang binatilyo sa isang fencing competition.

Kalakip nito ang birthday greeting niya para sa kanyang stepson na nagdiwang nga ng 17th birthday kamakailan.

“Happy birthday, Kuya Calix! May all your wishes come true today and every day. We love you!” caption ng Kapuso actress sa kanyang IG post.

Sa comment section ay nag-iwan ng message si Carlene at nagpasalamat kay Jennylyn dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito kay Calix na parang tunay na ina.

“Thank you Mommy Jen for loving Calix as your own,” sabi ni Carlene.

“Daisy Siete! Congrats to my panganay, so proud of you, mahal na mahal ka namin! We’re always here for you! Happy Birthday,” message ni Dennis sa anak.