Advertisers

Advertisers

Yul Servo at katropang law violators dapat itakwil sa eleksiyon

0 112

Advertisers

Itong si Manila Vice Mayor Yul Servo at ang tropang bulldog niya ang dapat sibakin sa darating na eleksiyon sa Mayo 2025.

Di lang bastos si Servo, law breaker pa, at mukhang nagpakita ng todong gilas sa amo niya sa cityhall (araykupo!), na feeling magaling siya, e utusan din lang naman.

Malinaw ang sinasabi ng batas — ayon sa Section 22 ng Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, at sa Section 50 of the Local Government Code, si Manila SK Federation President Juliana Rae “Yanyan” Ibay ay legally entitled sa posisyon at tungkuling humawak bilang chairperson ng Youth Committee sa Sangguniang Panlungsod ng Maynila.



At pataksil ang kilos ng tropa ni Yul kay Konsehala Ibay, kasi sa isang “secret session” ginanap ang pagtanggal kay Yanyan, at ano ang ibig sabihin nito: malisyoso ang kilos ni Servo at mga aso niya sa Konseho, kasi, alam na alam niya, labag sa batas ang kanilang ginawa.

Bakit malakas ang loob ng nina Servo kahit alam na labag sa Constitution ang ginawa nila, kasi may basbas ito ng kanilang boss na si Mayora Honey Lacuna.



Inalis nila si Yanyan, kasi kakampi siya ni Yorme Isko Moreno — na sigurado na sa Mayo 2025, babalik na uli sa cityhall, at sina Honey at Servo, uuwing luhaan pagkat itatapon ng Manilenyo sa amoy-ebak na estero ng Maynila.

Sa reklamo ni Konsehala Ibay sa Ombudsman noong September 20, sinabi na ang pagsibak sa kanya ng tropa ni Lacuna ay isang dangerous precedent sa lahat ng SK official sa buong bansa, hindi lang sa Maynila.



Kung sasabihin ng Ombudsman na okay lang, tama lang ang ginawa ng tropang Lacuna-Servo ng Manila City hall, aba, gagayahin na ito, susundan na ng mga bise-alkalde kasi pwede naman pala, basta kalaban sa politika, kahit walang atraso, maganda ang trabaho ng SK president at ex-officio member ng Sanggunian –ayon sa tadhana ng Konstitusyon — basta ayaw nila, pwedeng alisan ng poder na humawak ng komite sa Konseho.

Konting sentido kumon lang naman at mauunawaan na tama si Konsehala Ibay at mali, bastos ang tropa ni Servo.

Lantaran, sobrang kupal at kapal ng mukha ng tropang bulldog sa paglabag sa Saligang Batas at sa Local Government Code at sa Sangguniang Kabataan Act of 2015.

Panggigipit, ito, pang-aapi ito at paghamak sa mga kabataang Manilenyo sa pag-aalis kay Konsehala Yanyan na kanilang kinatawan, kanilang tinig at tagapagtanggol sa kanilang interes.

Pag-abuso ito sa kapangyarihan, kawalang galang o kabastusan sa paghawak ng tungkulin, at ano pa, walang modo na dapat ikahiya sa ngalan ng mabuting serbisyo sa bayan.

Malinaw na venganza political ang ginawa ni Manila City Council majority floor leader Atty. Ernesto “Jong” Isip Jr. nang ideklara niya — na inokeyan agad ni Servo — na bakante na ang upuan ni Konsehala Ibay — sa dahilang “in view of recent political events in the City of Manila.”

Kasi, sa kabila ng pakiusap ni Mayora Honey at kasapakat na ‘wag nang tumakbong mayor si Yorme Isko, sumige pa rin si Kois at sa Mayo, ang sigaw ng Manilenyo, “Ibalik si Yorme, miss ka na namin, Bossing Isko!”

Hindi lang sa youth committee tinanggal si Ibay, pati sa ibang komite sa City Council, sinibak si Yanyan at ito, kumbaga sa kasong kriminal, ito ay “multiple murder” — at ito ay isang malaking sampal, pambabastos sa kabataang Manilenyo na pumili kay Ibay na maging kinatawan nila sa City Council.

Naiintindihan mo na ito, Servo at mga sipsip na katropa ni Mayora?

Malisyoso pa ang ginawa nila ng 17 kasabwat ni Servo, kasi sekreto ang miting sa Konseho noong 23 at hindi binigyan ng pagkakataon si Konsehala Ibay na sagutin ang akusasyon sa kanya at makalahok sa isyu ng pagtatanggal sa kanyang mga komite.

Sa complaint ni Ibay, recess ang Konseho kaya malisyoso nga, may criminal intent ang tropang law violators ng Manila City Council.

Butas ang argumento ng Servo na pabaya sa tungkulin si Konsehal Yanyan, hoy, bukas ang rekord ng Konseho, aktibo siya sa mga usapin sa plenaryo.

Sinungaling si Servo sa mga botanteng Manilenyo sa akusasyon na “tamad” si Konsehala Ibay, nakadilat sa mga mata mo, Vice Yul na sa kulang isang taon, principal author si Yanyan ng lima (5) resolution, at co-author sa mahigit na 10 resolution at sumulat ng dalawa (2) mahahalagang ordinansa na nakasalang sa Konseho.

Ilan rito ay ang Ordinance No. 6746; Ord. No. 8747 Reso No.20; Reso No. 93; at iba pa.

Kungdi mo ito alam, ano ang silbi mo bilang vice mayor, at kung alam mo ito at ikinakaila, pwedeng isipin na ikaw, VM Yul ay nagsisinungaling at hindi honorable bilang public servant.

At may pagkaduwag ka, VM Yul, ayon sa reklamo, nang komprontahin ka ni Konsehala Yanyan noong Agosto 15 matapos sa session, umiwas ka, ayaw mong sagutin ang mga tanong at sa halip, nagdeklara ka ng recess.

Iwas-pusoy ka, kasi alam mo, Yul na mali, labag sa batas ang ginawa nyong pagsibak kay Ibay.

Eto po mga kabataang Manilenyo, mga botante ng Maynila ang mga bastos, walang modo, malisyoso at hindi dapat pagtiwalaang taksil sa batas pabor sa karapatan ng kabataan at Konstitusyon.

Sila ang kasama si Servo na kapwa diktador sa Konseho na di na dapat pabalikin sa Mayo sa Cityhall: Salvador Philip Lacuna, Pamela Fugoso -Pascual, Terrence Alibarbar, Louisito Chua, Numero “Uno Lim” Lim, Benny Fog Abante III, Roma Paula Robles-Daluz, Arlene Maile Atienza, Krystle Marie Bacani, Science Reyes, Ernesto Isip Jr., Niño Dela Cruz, Moises Lim, Martin Isidro Jr., Ruben Buenaventura, Rodolfo Lacsamana, Macario Lacson, Charry Ortega, at Leilani Marie Lacuna.

Ngayon kung nais nyong mawala ang galit ng mga kabataang Manilenyo, at mga botante ng Maynila, itanim nyo sa inyong kukote ang sinabi ng DILG: na ang elected president of the SK Federation, ay ano po, siya ay ex officio member ng sangguniang bayan o lungsod at likas na karapatang kaloob ng batas na maging chairperson ng committee on youth at sa iba pang komite ng Konseho.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.