Advertisers

Advertisers

2 puganteng Koreans, inaresto ng BI habang nag-a-apply ng visa extension

0 42

Advertisers

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Korean nationals, kapwa pugante sa batas, habang nag-a-apply ng kanilang tourist visa extension sa head office ng BI sa Maynila noong Sept. 26.

Ayon kay Raymond Remigio, Chief tourist visa section ng BI, sina Korean nationals Lee Wonwoong, 33 at Huh Hwan, 60, ay pinigil nang magkaroon ng routine database checks na isinagawa ni Immigration Officer Philip Reyes.

Napag-alaman na ang parehong indibidwal ay mayroong active derogatory records na nadiskubre sa centralized database ng BI nang sila ay mag-apply ng visa extension.



Agad silang inaresto ng fugitive search unit (FSU) ng BI sa pamumuno ni Rendel Ryan Sy matapos maglabas ng mission order si BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado.

Si Lee ay nahaharap sa isang asunto sa South Korea dahil sa pag- operate ng illegal gambling establishments habang si Huh naman ay wanted sa multiple fraud cases.



?Pinuri ni Viado ang mga ginawa ng mga opisyal involved sa operation. “This incident is a strong reminder that the Bureau is always alert and proactive in identifying foreign nationals who pose a threat to public safety,” sabi ni Viado.

Kapwa dinala sina Lee at Huh sa facility ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang naghihintay ng kanilang deportation. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">