Advertisers
Sa pagkakaroon ng ASTIG NA PROTECTOR ay mistulang naging PUSONG BATO at ni katiting na konsensiya ay hindi kinabakasan ang mukha ng EX-PRESIDENT GIRL na si EX-COLONEL at EX-PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA sa mga isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC).
Isa sa mga krimeng kontrobersiyal noong July 2020 ay ang naging pamamaslang kay RETIRED GENERAL at EX PCSO-BOARD SECRETARY ATTY. WESLEY BARAYUGA.., na ito ay pinagbabaril ng isang nagmomotorsiklong salarin habang bumibiyahe sa isang lugar sa MANDALUYONG CITY at hanggang kahapon ay hindi pa nahahanap o nakikilala ang suspek.
Sa naging pagdinig ng CQC nitong September 27, 2024 ay inihayag ni LT. COL. SANTIE FUENTES MENDOZA na ang utos para patayin si BARAYUGA ay mula umano kay COL. EDILBERTO LEONARDO at GARMA.., na base sa pagsasalaysay nj MENDOZA, noong 2019 ay lumapit umano sa kanya si LEONARDO tungkol sa isang project na kinasasangkutan ng isang HIGH GOVERNMENT OFFICIAL na sinasabing sinasabing sangkot sa ILLEGAL DRUGS. Siyempre pa bilang isang pulis ay magsasagawa dapat ng pansariling imbestigasyon si MENDOZA subalit sinabihan daw siya ni LEONARDO na hindi na kailangan dahil ang utos ay direktang mula kay GARMA na ito ang may personal na kaalaman sa umano’y koneksiyon ni BARAYUGA sa ILLEGAL DRUGS.
Bunsod nito ay naramdaman ni MENDOZA na wala siyang ibang pagpipilian kundi isagawa ang utos na pagpatay.., kaya ito ay humingi ng tulong sa kaniyang informant na si NELSON MARIANO na may koneksyon sa mga taong may kasanayan sa pamamaslang.
Pinatotohanan naman ito ni MARIANO na lumapit sa kaniya si MENDOZA upang maghanap ng
HITMAN para sa proyektong may budget na Php300,000 at sa kalaunan ay nakahanap si MARIANO ng isang HITMAN na kilala bilang “LOLOY” upang isagawa ang trabaho.
Kaya naman ang mga bumubuo ng CQC ay inusisa kung ano ang motibo sa pagpapapatay at naisiwalat na noon ay may isinasagawang imbestigasyon ang NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) patungkol sa operasyon ng SMALL-TOWN LOTTERY (STL) na inilunsad ng PCSO.., kung saan ay may inihahanda nang mga dokumento si BARAYUGA para sa kaniyang pagtestigo sa mga katiwalian sa PCSO laban kay GARMA; at sa mga nakaraang pagdinig ay ipinakita ni CHAIRMAN DAN FERNANDEZ ang ebidensyang nalugi ang PHILIPPINE GOVERNMENT ng P90 bilyon sa panahon ng panunungkulan ni GARMA sa PCSO mula 2019 hanggang 2022.
Ipinahayag din na ang sasakyang sinasakyan ni BARAYUGA nang siya ay patayin ay ibinigay ito sa kanya ni GARMA.., dahil si BARAYUGA ay namamasahero lamang ito noon kaya binigyan ito ng magiging pansariling sasakyan na lingid sa kaalaman nito ay pinagpaplanuhan na siya sa mga kalsadang kaniyang dinadaanan.., dahil nga naman e mahirap paslangin ang namamasahero at baka may madamay pang mga sibilyan.
Sa mataktikang pagmamanman ng isang nagngangalang “TOKS” na alagad din ni GARMA ang siyang nagbigay ng mga detalye ng sasakyan upang matukoy si BARAYUGA at matapos isagawa ang pagpatay ay ibinigay ni TOKS ang Php300,000. Ang halaga ay hinati-hati sa mga magkakasapakat: nakatanggap si MENDOZA ng P40,000; si MARIANO ay nakakuha ng P60,000, at si “LOLOY” ay binayaran ng P200,000.
Gayunpaman sa isinagawang pamamaslang kay BARAYUGA noong 2020 ay pinalabas na ito ay sanhi sa kaniyang pagkakasangkot sa ILLEGAL DRUGS dahil ang pangalan nito ay isinama sa DRUG LIST noong Agosto 2020, isang buwan pagkatapos ng kanyang kamatayan.., at kailanman ayon sa PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) ay hindi napabilang sa DRUG LIST ang pangalan ni BARAYUGA.
Ang lahat ng planong ito at pagtatakip ay malinaw na si GARMA ay isang RUTHLESS LADY na hindi natatakot na pumaslang sa sinumang haharang sa kanyang landas. Iniutos nito ang pagpatay kay BARAYUGA sa posturang may kinalaman ito sa droga na siyang TAKTIKANG ipinairal ng DUTERTE ADMINISTRATION upang mapalabas na LEGIT ang mga operasyong pagpapatumba sa itinuturo nilang mga kalaban.
Si GARMA ay sadyang walang takot dahil alam niyang may suporta siya mula kay EX-PRES. DUTERTE.., na gaya sa sinabi ng isang LAWMAKER ay nagpapakita si Garma bilang isang mabait na tupa ngunit sa katotohanan ay isang brutal na mamamatay-tao.
Ang pamamaslang kay BARAYUGA ay hindi ito ang unang pagkakasangkot ni GARMA dahil sa mga rebelasyon ng iba’t ibang RESOURCE PERSON ng CQC ay si GARMA rin ang itinuturo sa pagpapatay sa 3 CHINESE DRUG LORDS na sina CHO-KIN TONG, JACKSON LEE at PETER WANG sa loob mismo ng isa sa mga BARTOLINA ng DAVAO PRISON AND PENAL FARM noong July 2016.
Sa nakaraang DUTERTE ADMINISTRATION ay si GARMA ang naging pangunahing tagasunod sa dikta ng minahal niyang si DUTERTE.., kaya naman ginawaran siya ng JUICY GOVERNMENT POSITIONS at ito ang naging daan para makamkam nito ang pera ng sambayanan at naging kasangkapan din siya sa pamamaslang ng mga kakompitensiya sa pagmomonopolyo ng ILLEGAL DRUG TRADE sa ating bansa at sa mga inaakusahang kumakalaban sa sistema ni DUTERTE sa postura ng WAR ON DRUGS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.