Advertisers

Advertisers

Valenzuela namahagi ng 63 bagong Vans sa mga public schools

0 14

Advertisers

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian, kasama si Senator WIN Gatchalian ang pagbabasbas at turnover ng 63 mga bagong WIN Serbisyo Van sa Puregold Dalandanan Parking Grounds .

May kabuuang halagang   P69,293,700, na mula sa  pondo ng tanggapan  ni Senator Win at i pinamahagi sa mga pampublikong paaralan sa lungsod upang suportahan ang pangangailangan sa transpormasyon ng mga paaralan para sa iba’t-ibang aktibidad nito.



“Ang buhay ng mga guro ay hindi humihinto sa pagtuturo. Kaya sana ay makatulong ang mga sasakyang ito sa inyong mga extra-curricular activities at sa mga iba pang operation. Kaya naman pinagtulungan natin ito para magkaroon kayo ng kanya kanyang mga service vehicles. Abangan din po ninyo ang bago nating schools division office, ito po ay mayroon ding mga training centers, breakout rooms, auditorium, para sa ating mga teachers. Kaya sana ay maging mas maayos at maginhawa ang ating mga trabaho para sa edukasyon ng ating mga kabataan.” pahayag ni Senator Win.

Samantala, sinabi naman ni Mayor Wes na “In celebration of teacher’s day, ang ating pagbigay-pugay sa ating mga teachers ay bilang pasasalamat sa inyong paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kabataan. Hindi po sapat ang ganitong mga sasakyan dahil importante po kung ano ang hinaharap para sa ating edukasyon kaya abanagn po ninyo ang ating bagong central kitchen, at tatlong bagong ValACE sa Barangay Gen. T. De Leon, Marulas, at Mapulang Lupa.”



Muli na namang pinatunayan ng Lungsod ng Valenzuela ang pangakong palalakasin pa ang sektor ng edukasyon para matiyak na may sapat na kagamitan ang mga pampublikong paaralan na tutugon sa mga pangangailangan ng mga guro at mga mag-aaral…..(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">