Advertisers
Arestado ang 28-anyos na lalaki nang mahuli sa isang buy bust operation sa Fortune Street, Barangay Banica, Roxas City, noong Biyernes Oktubre 4.
Kinilala ang suspek na si alyas Michael na residente ng Barangay Dumulog, Roxas City.
Narekober sa suspek ang isang caliber .45 pistol na may tatlong bala, belt bag at P7,000.00 na buy bust money.
Nasa kustodiya ng Roxas City PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso na paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.