Advertisers
NASAWI ang apat na katao at sugatan ang dalawa pa kabilang ang isang pulis sa nangyaring magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa bayan ng Indang at Silang sa Cavite nitong Sabado ng umaga.
Patay ang rider at angkas ng isang Honda Click scooter motorcycle na sina Rendel Baes, 25-anyos; at Emmanuel Yanzon, nasa hustong gulang, parehong mga residente ng Barangay Mataas na Lupa sa bayan ng Indang makaraang aksidenteng masalpok ng Lorna Express Bus na may plakang NFD 2991 ng mag over take ng kurbadang daan ang nasabing motosiklo sa kahabaan ng National Highway ng nasabing bayan at nasugatan naman ang driver ng bus na si Edmund Francisco Jr, 41 taon gulang, ng tangkain nitong iwasan ang motorsiklo ng mga biktima at bumangga sa isang Water Pumping Station at mga kawad ng kuryente, nasugatan din ang pasahero ng bus na si Police Officer Jose Dominic Sosa na nakaassigned sa Kamuning Police Station sa Quezon City Police District.
Inaalam na ngayon kung nasa impluwensya ng alak ang mga nasawing biktima habang nagpapagaling na ngayon ang mga nasugatang biktima sa GEAM Hospital.
Patay din ang rider na si Mickaella Baysa, 15 anyos at ang angkas na si Melboy Biceda, 30 taon gulang na sakay ng Yamaha Mio i motorcycle scooter na may plakang 358 DXB makaraang aksidenteng mabangga ng Mercedez Tractor Head Trailer na minamaneho ng driver na si alyas “Ray Anthony”, 32 taon gulang bandang 5:30 ng umaga sa Barangay Litlit ng Silang Cavite.
Parehong mahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence in Resulting to Double Homicide and Damage to Property ang mga driver na involved sa aksidente.(Koi Laura/ Irine Gascon)