Advertisers
Naaresto ang isang mataas na lider ng New People Army (NPA) sa isinagawang operasyon sa Tagum City.
Kinilala ang suspek na si Porferio Tuna, Jr., alias Danny/Ampong/Ka Simon, 2nd Deputy Secretary and Executive Committee member of the Southern Mindanao Regional Committee of the communist terrorist group
Ayon kay MGen Allan D. Hambala, Commander of the 10th Infantry (Agila) Division, naaresto si Tuna ng mga elemento National Intelligence Coordinating Agency (NICA) XI, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) XI, sa Purok Magkidong, Brgy Mankilan, Tagum City.
Sa report, sangkot si Tuna sa iba’t-ibang mga krimen na kinabibilangan ng pag-atake sa mga elemento ng 60th Infantry Battalion sa Brgy Gupitan, Kapalong, Davao Del Norte. na ikinasawi ng isang official.Pag-ambush sa mga sundalo na ikinasawi ng 2 sundalo sa Brgy Anitapan,Mabini Davao de Oro noong July 10,2014.
Nahaharap sa mga kasong murder, kidnapping, serious illegal detention, robbery with violemce at attempted homicide.
Nakulong si Tuna sa Davao del Norte Provincial Jail at pangsamantala nakalaya nang makapaglagap ng piyansa noong 2016 at mag-particiapate sa negosasyon sa pagitan ng Governmet of the Philippine at National Democtatic Front Panel sa Oslo.
Pinili ni Tuna, magtago sa halip na harapin ang mga kasong kinakaharap sa hukuman.
Sinabi ni Hambala na isang malaking setback ang pagkakadakip kay Tuna sa hanay ng mga rebelde sa Southern Mindanao.(Mark Obleada)