Advertisers

Advertisers

Sekyu napatay ng kabaro sa Cavite

0 88

Advertisers

DEAD on arrival sa ospital ang isang security guard na aksidenteng tinamaan ng pumutok na shot gun ng kasamahang security guard sa loob ng guard house ng Camella Homes sa Barangay Bucandala 4 ng Imus City, Cavite nitong Linggo Octobei 6, 2024 .

Kinilala ang nasawing biktima na si SG Binlo Mapa habang ang suspek naman ay si SG Rolando Mariano III, mga nasa hustong gulang mga nakadestino sa nasabing subdivision.

Base sa paunang imbistigasyon tinanggal umano ng suspek na si Mariano ang kanyang service fire arms na Catma Arms 12 gauge shot gun sa kanyang balikat at isinandal sa tabi pader ng guard house ng aksidente umanong pumutok ang baril at tinamaan sa leeg ang biktima na si Mapa.



Agad naman tumawag ng tricycle ang suspek at itinakbo sa pagamotan ang kanyang kasamahan para malapatan ng lunas subalit hindi na ito umabot pa ng buhay ayon sa rumespondeng si Doctor Mark Anthony Palad.

Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang sumukong suspek.(KOI LAURA)