Advertisers

Advertisers

Asawa ni Harry Roque maiisyuhan ng arrest warrant ng Quad Comm

0 20

Advertisers

PINATAWAN na ng contempt ng House Quad Committee ang asawa ni dating Presidential spokeseperson Harry Roque na si Mylah.

Ito ay dahil sa hindi parin niya pagdalo sa pagdinig ng Quad Committee.

Una rito, nagmosyon si Representative Stephen Paduano na i-contempt si Mylah Roque.



Kinalauna’y pinagbigyan ito ng komite, at mag-iisyu ng arrest order.

Si Mylah ay inimbitahan ng Kamara para linawin ang kanyang papel sa lease agreement sa Chinese nationals na dawit sa ilegal na POGO sa Bamban, Tarlac.

Kung maalala tinuligsa ni Mylah si Rep. Ace Barbers dahil inaabuso nito ang kaniyang kapangyarihan.

Si Mylah ay kasalukuyan nang nagtatago, tulad ng kanyang mister na pinaghahanap narin ng batas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">