Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, isinailalim sa alert status ang 6 district hospital, health centers dahil kay ‘Kristine’

0 49

Advertisers

ISINAILALIM ni Manila Mayor Honey Lacuna sa alert status ang city’s six district hospitals at mga health centers s inaasahang pananalasa ng bagyong ‘Kristine.’

Inatasan ni Lacuna si Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan na ihanda ang lahat ng city-run hospitals at health centers para sa pagtanggap ng posibleng typhoon-related illnesses maliban pa sa mga regular na kaso.

Nabatid na sa kabila na sinuspinde ng Malacanang ang lahat ng pasok sa tanggapan ng gobyerno, ang Manila city government ay nagpanatili ng skeletal forces para maglingkod kung kinakailangan.



Maliban kay Dr. Pangan, Manila Disaster Risk Reduction Management Office chief Arnel Angeles, social welfare department head Re Fugoso, department of public services chief Jonathan Garzo, Manila Traffic and Parking Bureau Director Narciso Diokno at City Engineer Moises Alcantara ay inatasan na para mag-monitor ng sitwasyon at agad na umaksyon kung kinakailangan.

Sinabi naman nina Alcantara at Angeles na ang mga team mula sa kanilang tanggapan nag-iikot na upang tingnan kung may mga bumabagsak na mga puno at kable ng kuryente na magsisilbing obstructions sa kalye at gayundin sa mga flood-prone areas.



Samantala, sinabi ni Fugoso na ang kanyang mga kawani ay naghanda na ng mga food packs at hygiene kits para sa poaibleng distribusyon sakaling kailangan ng ilikas ang mga maapektuhang residente ng lungsod.

Sa bahagi ni Diokno, may sapat na personnel na naikalat na upang tiyakin na maayos ang daloy ng trapiko.



Ayon kay Lacuna, ang mga sumusunod na health centers ay mananatiling bukas upang mag-assist sa lahat ng nangangailangan ng medical assistance: District 1 – Tondo Foreshore Health center; District 2 – Tondo Health Center; District 3 – OpCen ng Dist. 3 (dating Mabini Health Center); District 4 – District Health Office sa Belmonte Health Center; District 5 – Icasiano Health Center and LIC and District 6 – Lacson Health Center. (ANDI GARCIA)