Advertisers
Kulong ang tatlong drug suspects nang makuhanan ng mahigit P100K halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation sa Malabon City.
Sa report sa bagong OIC ng Northern Police District (NPD) na si Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang mga naaresto na sina alyas “Kuya”, 51; alyas Burnok, 18; at alyas “Buang”, 36, pawang residente ng lungsod.
Sa ulat, 3:40 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng SDEU sa Celia 2 Street, Brgy. Bayan Bayanan.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.30 grams ng shabu na may standard drug price value na P104, 040.00 at buy bust money.
Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa mga suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)