Advertisers

Advertisers

Walang tigil na black propaganda kontra Lacuna admin, binira ni Mayora

0 46

Advertisers

BINIRA ni Manila Mayor Honey Lacuna ang non-stop black propaganda laban sa kanyang administrasyon kasabay ng kanyang panawagan sa mga residente na laging kumuha ng tamang impormasyon sa mga reliable sources tulad ng barangays, sa halip na umasa sa social media platforms na ‘di maasahan at credible kung minsan at madalas pa ay fake news pa ito.

Ang pahayag ni Lacuna ay kasabay din ng pagbibigay suporta nila ni Vice Mayor Yul Servo sa mga chairmen habang nag-iikot sa mga barangay na magsasagawa ng kanilang 2nd Semester CY 2024 Barangay Assembly sa temang, “Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas”. Ito ay may mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Inangasan ng alkalde ang fake news pinapakalat ng kanyang political rival na ang mga senior citizens ay pinagkakaitan ng kanilang monthly allowances at Wala siyang ginagawa bilang alkalde.



“Sabi ng isang marites, inaapi daw namin ang seniors at di natatanggap ang allowance,” sabi ni Lacuna sabay tanong sa mga senior citizens na naroroon kung natatanggap nila ang kanilang mga allowances, kung saan sinagot naman ito ng apirmatibo.

Maliban sa updated senior allowance payouts, nilagdaan kamakailan ni Lacuna ang city ordinance na ginagawang doble ang monthly allowance ng mga seniors at mula P500 ay P1,000 na ito simula 2025.

“Hindi lahat ng nasa Facebook o YouTube ay totoo. Marami pong fake news ngayon,” ani Lacuna.

Yung wala daw akong ginagawa, fake na fake po ‘yan. Di lang ako mahilig mag-post ng mga ginagawa ko at walang kamerang laging nakasunod dahil tahimik akong nagta-trabaho at nagdadala ng serbisyo diretso sa tao,” giit ni Lacuna.

Linggo-linggo ay dinadala nina Lacuna at Servo City Hall’s essential and basic services na direkta sa mga barangay sa pamamagitan ng “Kalinga sa Maynila” program. Dito ang mga residente ay nagagawang i-ere ang kanilang mga concerns, reklamo at katanungan na direktang tinitugon naman ng city officials sa pangunguna ni Mayor Honey mismo.

Tuwing may ‘Kalinga,’ ang mga residente ng scheduled barangays ayon kay Lacuna ay nagkakaroon ng pagkakataong mag-avail ang mga wide-ranging services na karaniwang dahilan kung bakit nagpupunta sila Manila City Hall.



Ang kailangan lang nilang gawin ay pumunta ng diretso sa stall na nagbibigay ng partikular serbisyong kailangan nila. Ang lahat ng ito ay libre at walang bayad.

Sinabi pa ni Lacuna na ang mga stalls ay tinatauhan ng mga kawani mula sa departments, bureaus o offices na nag-alok ng serbisyo tulad ng free checkups and medicines; vaccination of pets; replacement or processing of IDs and purchase booklets para sa senior citizens, PWDs, solo parents, birth, marriage at death certificate din.

Binanggit din ng lady mayor na ang city’s public employment service office ay naroon din upang magbigay ng job opportunities para sa mga unemployed.

Samantala, hinikayat ni Lacuna ang residente na makiisa sa barangay assembly.

Sa ilalim ng Local Government Code, ang mga barangay ay required na magsagawa ng barangay assembly kada semester upang maging malalaman ang kanilang mga nasasakupan sa mga ginagawa ng mga barangay lalo na sa mga gastusin at pondo. (ANDI GARCIA)