Kulong ang isang lalaki sa bitbit na baril habang pagala-gala sa Malabon City, nitong Lunes ng hapon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunation Regulation Act ang naarestong suspek na si alyas “Vic”, 39, tricycle driver ng Brgy. San Agustin ng lungsod.
Sa report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang pagala-gala sa Magsaysay St., San Agustin.
Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .22 revolver na kargado ng dalawang bala at wala itong maipakitang kaukulang papeles hinggil sa ligalidad ng naturang baril.(Beth Samson)