Distrito ni Rep. Sandro Marcos, nakatanggap ng pinakamalaking budget insertions para sa DPWH projects
Advertisers
TINUKOY sa budget consultation sa Senado na ang distrito ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos ang nakatanggap ng pinakamalaking insertion sa panukalang 2027 national budget.
Sa PowerPoint presentation ni People’s Budget Coalition Co-Convenor Ken Abante, makikita ang indicator na distrito iyon ni Representative Marcos at dahil sa kaniyang insertion, mula sa P369 million na proposal sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) ay umakyat sa P4.74 billion ang DPWH District Offices.
Sinabi pa ng kongresista na nagdagdag ang Kamara ng halos 7,000 proyekto na nagkakahalaga ng P190 billion sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa susunod na taon.
Kabilang sa top 10 na mga DPWH District Engineering Offices na may malalaking insertions ang mga sumusunod:
• Misamis Occidental Second District — P1.81 billion
• Davao de Oro Second District — P1.74 billion
• Isabela Fourth District — P1.68 billion
• South Cotabato Second District Office — P1.64 billion
• Bohol First District — P1.49 billion
• Nueva Ecija First District Office — P1.35 billion
• Batangas Second District Office — P1.31 billion
• Zambales Second District — P1.2 billion
• Eastern Samar Lone District — P1.12 billion
Idinetalye rin ni Abante ang mga kwestiyonableng nadagdag na proyekto ng Kamara.
Klinaro naman ni Abante na hindi nila sinasabing may katiwalian, pero kung walang published project document, dapat tanggalin ng Senado at i-veto ng pangulo.
Nagbabala siya na kung hindi ito lilinisin, posibleng magkaroon ulit ng flood control scandal sa ibang ahensya dahil nakita nilang pareho ito sa modus operandi ng insertions nina dating Speaker Martin Romualdez at Cong. Zaldy Co na walang dokumento.