Advertisers

Advertisers

QUADCOMM VS. TUWADCOMM

0 53

Advertisers

MALINAW sa amin ang laro ng Senado. Nag-imbestiga (kuno) ang Senado hindi upang tuklasin ang katotohanan sa pumalpak na digmaan kontra droga ni Gongdi. Pangunahin nilang layunin ang tukuran ang nagigibang si Gongdi at kontrahin ang sumusulong na imbestigasyon ng QuadComm sa Camara de Representante.

Pakapalan ng mukha na nandoon sa nag-iimbestiga ng Senado (kuno) ang mga kasali at may kinalaman sa war on drugs tulad ni Bato dela Rosa at Bong Go. Palaparan ng papel ng nagsalita ang mga patapon na mambabatas tulad si Robin Padilla at Francis Tolentino. Hindi lumayo sina Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa pagkiling kay Gongdi.

Tama ang kolumnistang si Bobot Fradejas na tumawag sa Senate blue ribbon subcommittee na “TuwadComm.” Tama ang mga netizen tawag nila na “HuwadComm.” May netizen na tinawag itong “ClownsCom.” Maliban kay Risa Hontiveros, pawang mga payaso ang dumalong senador sa public hearing. Pinagtawanan ng madla si Koko at ang subkomite niya sa kapalpakan nila.Walang karangalan ang subkomite.



Dahil hindi umurong sina Bato at Bong Go, minarapat ng ibang senador na may natitirang hiya sa sarili ang lumayo sa public hearing. Hindi sila nakikilahok. Hindi sila sumali sa mga balitaktakan na walang kabuluhan. Alam nilang pagtatawanan lang sila.

Nabuhay sa maling akala ang subkomite. Ang buong akala ni Chiz Escudero, Koko, at kahit si Bato at Bong, ito ang sasalba sa gumuhong reputasyon ng Senado. Akala lang nila ngunit hindi ito ang nangyari. Mas tumibay ang paniwala na nagsiyasat ang Senado dahil gusto lang nilang isalba si Gongdi. Kasama sa sindikato ang mga senador.

Ginamit ang Senado upang tapatan ang QuadComm na tumuklas ng mga nakakagulat na katotohanan. As usual, palpak ang Senado sa siyasat. Hindi ito nakakapagtaka dahil sanay ang Senado sa kabiguan. Iyan ang track record nila dahil pawang mga bobo, tanga, walang buto, at payaso ang marami sa kanilang kasapi.

***

KASAMA sa laro ng Senado na kumbinsihin ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) na sa lokal na hukuman sila magsampa ng sakdal laban kay Gongdi at mga kasapakat. Bigo sila dahil hindi nakumbi ang mga pamilya. Mas nanalig ang mga pamilya na mas makukuha nila ang katarungan sa International Criminal Court (ICC).



Wala silang tiwala sa lokal na hukuman. May katwiran sila na hindi manalig sa mga korte ng bansa. Madaling mabili ang marami sa mga huwes ng bansa. Nakita natin ito sa sakdal kay Leila de Lima. Inabot ng pitong taon sa piitan si Leila na alam natin na hindi patas ang mga huwes na nakuha ni Gongdi sa kislap ng kanyang yaman.

***

GINAMIT ang TuwadComm upang tapatan ang QuadComm at kung maaari, gibain ito. Isa ito sa dahilan kaya lumabas si P/Col. Hector Grijaldo. Binasa ni Grijaldo ang inihandang affidavit umano na nag-aakusa sa QuadComm na ginipit siya umano upang patotohanan ang reward system sa war on drugs ni Gongdi. Walang bago sa isiniwalat ni P/Col. Royina Garma hinggil sa pagbibigay gantimpala ni Gongdi sa bawat napapatay ng mga mamamatay pulis ng PNP at mamamatay tao ng hindi kilalang vigilante force.

Kinumpirma kahit ng retiradong pulis na si Arthur Lascanas at sibilyan na si Edgar Matobato na nagbibigay ng pabuya si Gongdi sa nangyaring patayan kaugnay sa giyera kontra droga. “Galante si Duterte,” ito ang katagang binitiwan ni Lascanas noong nagbigay siya ng panayam noong Pebrero sa podcast ni Christian Esguerra na “Facts First.”

Ginamit si Grijaldo ng mga gumaganting opisyales ng PNP na nakaramdam ng mababang tingin sa kanila ng mga mambabatas. Hindi iginagalang ng mga mambabatas ang mga opisyales ng PNP. Paangil ang mga ibinabatong tanong sa kanila, harapang hinihiya, at pinapagalitan ang mga pulis. Alam kasi ng mga mambabatas na pawang mga mamamatay tao ang mga taga-PNP na tumayong saksi sa QuadComm. Ramdam nila na wala silang galang sa kanila.

Sa Nob. 6, idadaos ang pangsampung pagdinig ng QuadComm sa Camara. Tulad ng inaasahan, maaaring tumagal ng hindi bababa sa labindalawang oras ang pagdinig ng QuadComm hindi tulad ng HuwadComm na hanggang walong oras lang dahil napapagod kaagad ang mga senador. Paksa pa rin ng QuadComm ang palpak na giyera kontra ni Gongdi at inaasahan ng totohanang igisa ang mga opisyales ng PNP. Ingnan natin ang tikas ni Grijaldo.

Teka nga pala, ibinisto ni Manila Kin. Benny Abante, isa sa apat na co-chair ng QuadComm, na walang ginawa police report si Grijaldo tungkol sa pagpaslang kay B/G Wesley Barayuga, ang board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Nangyari ang pagpatay kay Grijaldo noong 2018 sa Mandaluyong City at si Grijaldo ang police chief ng siyudad. Laking gulat ni Abante na walang ginawa at isinumiteng police report si Grijaldo. Tingnan natin kung ano ang paliwanag ni Grijaldo.

***

HINDI nabalewala ang pagharap ni Gongdi sa Senado. Sa ilalim ng masunng pagtanong ni Sen. Risa Hontiveros, napaamin si Gongdi sa dalawang bagay: Una, inutusan niya na hikayatin ang ga pulis na lumaban upang mabigyan ng katwiran upang patayin ang mga mga pinaghihinalaang adik o tulak ng ipinagbabawal na gamot; at pangalawa, mayroon siyang binuo na “Davao Death Squad” na ang pangunahing tungkulin ay pumatay.

Iniwasan ng ibang senador na itanong ang mga ito, ngunit mabuti na lang at nandoon si Risa. Hindi nangimi si Risa at napalabas niya si Gongdi na aminin ang dalawang kahindik-hindik na katotohanan sa digmaan kontra droga ni Gongdi. Sumumpa si Gongdi sa kmite at maaaring gamitin laban sa kanya ang kanyang sasabihin sa pagdinig. Hiningi ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK na isumite sa ICC ang lahat ng sasabihin ni Gongdi sa HuwagComm.

***

KAWAWA si Harry Roque, ang dating human rights lawyer na ibinenta ang sarili upang maging human wrong. Nangangantiyaw na lang para pansinin ng publiko.Walang pumapansin sa kanya. Kahit wanted siya at pugante dahil nagtatago at ayaw harapin ang sakdal na qualified human trafficking, hindi siya dinakip dahil hindi siya big deal. Pansinin ang kulang sa pansin.

***

MGA PILING SALITA: “Sulit na sulit ang bayan kay Sen. Risa. As for the other senators, they’re all overpaid bums.” -Joel Cochico, netizen, kritiko

“The madman has no soft, or human, side. The claim that he has soft side is only an allegation. All he has is darkness. Total darkness.” – PL, netizen, kritiko