Advertisers
Inaresto ang 13 na Chinese national nang mahuling nagtatrabaho sa dalawang mining site sa Homonhon Island sa Eastern Samar.
Iniulat ni Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division (BI-ID) Chief Fortunato Manahan Jr. kay Commissioner Joel Anthony Viado na natuklasan ang mga dayuhang manggagawa sa dalawang magkahiwalay na mining site sa isla.
Sinabi rin nito na ang lahat ng naarestong Chinese national ay nasa kustodiya na ngayon ng PAOCC habang sinisimulan ng bureau ang mga kaso ng deportasyon laban sa kanila.
Inaresto ang 13 na Chinese national noong Oktubre 30 ng mga operatiba ng BI-ID sa pakikipag-ugnayan sa PAOCC at Armed Forces of the Philippines.