NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang construction worker nang pagsasaksakin ng menor de edad na live-in partner gamit ang basag na salamin sa bayan ng Banna, Ilocos Norte noong Sabado.
Mabuti na lang umano at mababaw lang ang tinamong mga sugat ng biktima kaya ligtas na ito sa panganib.
Sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay sa bayan ng Banna nang dumating ang 16-anyos na salarin na umano’y lasing din 10:00 ng gabi.
Nagkasagutan umano ang dalawa hanggang pulutin ng salarin ang piraso ng basag na salamin at pinagsasaksak ang biktima.
Agad namang naawat ang babae at naitakbo sa ospital ang biktima.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang salarin habang nagpapagaling naman ang biktima.
Sobrang kalasingan umano ang dahilan ng pag-aaway ng mag-live-in partner.