Advertisers
JASIG, Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees, isang kasunduan kapag may usapang pangkapayapaan na nagsisilbing pangsalag sa lahat ng kasama sa peace talk na di sila maaaring salingin o’ arestuhin.
Ginagawa rin itong pangsalag lalo na ng mga nasa kaliwang bahagi ng usapang pangkapayapaan upang matakasan ang pag-dakip sa kanila.
Hindi na ngayon. Dahil nitong nakaraan mga araw lamang, tatlong matataas na opisyal ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, ang nadakip. At kanilang ipinangsasalag itong JASIG para sila ay mapakawalan.
Hindi na ngayon. Dahil kung inyong matatandaan, noong 2017 tinapos na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang usapang pangkapayapaan, upang tugunan naman ang walang habas na paglabag ng mga kaliwa sa ating mga batas at karapatang pangtao.
Ipinaliwanag ito ng Legal Cooperation Cluster (LCC) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at sinabing ang pag-aresto at pagkulong kina Porferio Runa, Simeon Naogsan at Wigberto Villarico, ay “fully justified, legal at moral.”
Ayon kay office of the Solicitor General Justice Angelita V. Miranda, Chairman ng LCC, ang pag-aresto sa tatlo ay ginawa alisunod sa standing arrest warrant na inisyu ng korte para sa heinous crimes gaya ng kidnapping at murder sa kabila ng saklaw ng sinasabing immunity sa ilalim nang nawala nang JASIG.
“The JASIG, originally designed to facilitate peace talks, has long outlived its relevance. Its termination in 2017 by then-President Rodrigo Duterte was both a legal and necessary response to the NPA’s relentless acts of violence and betrayal of public trust. Provision III (5) of the JASIG clearly states that the agreement can be terminated by either party through written notice, which President Duterte exercised, effectively nullifying any claim of immunity by alleged NDFP negotiators,” paliwanag ni Miranda.
Dagdag pa ni Miranda na ang terminasyon ay napaka “critical move” dahil nagagamit ito bilang kasangkapan ng criminal impunity.
“The JASIG’s purpose was to foster dialogue, not to provide sanctuary for individuals committing heinous crimes,” ayon kay Miranda.
Ang pag-aresto kina Tuna, Naogsan at Villarico ay base sa valid warrant na inisyu ng korte at sinabing “these individuals face charges for crimes that shock the conscience—kidnapping, murder, and other atrocities. The LCC underscores that even under JASIG, immunity never extended to acts contrary to the peace process. Provision II (1) of JASIG is unequivocal: immunity does not cover crimes beyond the scope of peace negotiations,” paliwanag pa ng LCC.
So kung noon ay nakakalusot ang mga pesteng opisyal ng CPP-NPA-NDF nang dahil sa JASIG, ngayon ay hindi na. Maliwanag!