Advertisers
INIHAMBING ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa talbog na tseke na walang pondo ang unprogrammed funds na nagkakahalagang P70 bilyon sa 2021 proposed national budget na nakalaan para sa pagbili ng bakuna laban sa corona virus 2019 (COVID-19).
“It is like we issue a check without adequate funding. Sana po hindi mag-bounce,” ani Drilon.
Sa isang pahayag, muling nagpaalala si Drilon sa umano’y kawalan ng malinaw na pagkukunan ng pondo sa pambili ng bakuna upang mailigtas ang 60-milyong Pilipino sa 2021.
Sinabi ni Drilon, may pag-aalinlangan kung paano makukuha ng pamahalaan ang P70-bilyon man lang sa susunod na taon para ipambili ng bakuna dahil P2.5-bilyon lamang ang ginarantiyahan sa ilalim ng 2021 spending outlay.
“It is unfortunate that in these uncertain times, the budget is creating additional uncertainty. This makes Filipinos wary about the future,” wika ni Drilon.
Ipinag-aalala rin ng senador ang kawalan ng pagkukunan ng kita upang pondohan ang P70 bilyon sa unprogrammed funds para sa pambili ng bakuna.