Advertisers

Advertisers

Gou Hua Ping at Alice Gou iisang tao base sa fingerprints at ‘di Pinoy

0 19

Advertisers

Kinontra ng Bureau of Immigration (BI)

ang naging pahayag ng kampo ni Guo Hua Ping alyas Guo Huaping o Alice Leal Guo na Pilipino ito nang sumalang sa hearing ng BI.



Ayon kay Atty. Gilbert Repizo, head ng Board of Special Inquiry ng BI, maraming mga naipakitang ebidensya ang Special Prosecutor na nagpapatunay na hindi Pilipino si Guo Hua Ping at dinaya lamang nito ang kanyang mga dokumento.

Kabilang sa mga ipinunto ni Atty. Repizo ang fingerprint na hawak ng NBI na nagpapakita na isang tao lamang si Gou Hua Ping at Alice Gou.

“Finger print is one of the mode of identification,” pahayag ni Atty. Repizo.

Binigyan ng BI ang kampo ni Gou na kumuha ito ng isang eksperto para pabulaanan ang records ng NBI sa kanyang mga fingerprint.

Bukod sa fingerprint, ipinakita rin ng Special Prosecutor ang birth certificate ni Gou na pineke para palabasing isa itong Pinoy.



Dagdag pa ni Atty. Repizo na wala pang naging pinale sa ginanap na hearing nitong Biyernes at binigyan pa ng 15 working days sina Atty. Stephen David, abogado ni Guo na i-comply ang kanilang sinasabing contributing evidence

at patunayang mali ang NBI sa inilabas na resulta ng finger prints ni Guo.

Ayon pa kay Atty. Repizo na wala pang katiyakan kung kailan maipade-deport si Alice Guo dahil mayroon pa itong mga nakabinbin kaso sa iba pang korte ng bansa.