Advertisers

Advertisers

GEN. QUESADA AT COL REVITA “MALAMYA” UMANO SA NAGLIPANANG SUGAL SA ORIENTAL MINDORO

0 74

Advertisers

MISTULANG mga lumpo ang ilang matataas na opisyal ng PNP pagdating sa paglaban sa iligal na sugal.

Simula umano ng maupo sa puwesto itong sina Police Regional Office 4-B MIMAROPA (Mindoro Marinduque, Romblon, Palawan) Regional Director PBGen Roger Quesada at Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita ay wala silang “official stand” o polisiya sa paglaban sa ilegal partikular sa illegal gambling na talamak sa probinsya ni Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor.

Ayon sa ilang concern citizen napakaluwag at malamya umano sina Gen Quesada at PCol Revita sa pagsugpo sa mga peryahan na may sandamakmak na sugal na na humihigop sa perang pinaghihirapan ng mga mindoreño na nagkalat ngayon sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor.



Ito ang obserbasyon ng mga residente, senior citizens at mga debotong mananampalataya makaraang magsulputang na sa nasabing lalawigan ang gabi-gabing sugal na “drop ball baraha at color games” na parang mga kabute nagsulputan sa Oriental Mindoro na nasa tungki lamang ng ilong ng mga nabanggit na PNP officials.

Mistula umanong parang walang gobyerno at kaayusan dahil sa nagsimula nang lamunin ng mga dayong bigtime na peryante (perya operators) ang nasabing probinsya para magumon sa opisyo ng pagsusugal ang mga mamamayang mindoreño.



Mismong mga matataas umano na ranggo sa PNP ang nagsisilbing mga protector at locators sa mga peryang may sandamakmak na sugal.

Ayon sa reklamo sa pitak na ito may mga blessing (timbre) diumano sa mga Kapitan at Mayor kaya nagiging inutil umano itong sina Gen. Quesada at Col Revita na hulihin ang mga bigtime na gambling operators.



Wala umanong siyudad o bayan sa Oriental Mindoro ang pinaligtas ng mga bigtime na peryante sa kanilang “gambling operation” na pinamumugaran ng mga kriminal gaya ng holdaper, snatcher, mandurukot at adik maging ng mga kabataan at babaeng mababa ang lipad.

Dahil nga “patong” ang iilang kurakot na mga pulitiko at iilang police officials, buong akala ng mga taga Oriental Mindoro ay sadyang legal ang sugal sa perya.

Kahit anong sumbong diumano ng mga residente sa mga police station ay wala umanong nangyayari sa “sistemang pipicturan” lamang ang mga gambling paraphernalia saka gagawan ng report na kunwari inaaksyonan ito pero tuloy ang operasyon nito sa kadahilanan na marami ang nakikinabang dito tulad ng mga tiwaling pulitiko at ilang PNP officials maging ang National Bureau of Investigation (NBI-MIMAROPA) ay nakikinabang umano dito kung kayat nagbulag-bulagan ang mga ito.

Kung ganon, inutil sa dilang inutil ang tanggapan ng PPO at PRO MIMAROPA maging ng NBI-MIMAROPA Regional Director Atty. Gelacio “Gel” Bongngat.

Ang mga personalidad na kaladkad ang opisina sa illegal na sugal …ito ay ang S2, provincial director (PD), R2, regional directors (RD), at NBI-4B RD ang ipinangongolekta ng diumanoy mga aktibong pulis na alyas Raymond, Nonoy, Mendoza at Guco, alyas Mike at Melvin naman ng NBI-4B ang nangongolekta ng “good will at weekly payola”.

Mga aktibong kolek-TONG ng PNP at NBI Region 4B.

Ang TANONG alam kaya ito nina Atty. Bongngat, Gen. Quesada at Col. Revita?

Notorious ang mga peryahan na front ng sandamakmak na sugal na matatagpuan sa mga bayan ng Puerto Galera, Victoria, Bulalacao, Bansud, Pola, Pinamalayan, Socorro, Naujan, San Teodoro, Baco, Bongabong, Mansalay at Gloria, kung saan GARAPALAN ang operasyon nito na para ba gang hinoholdap ang pera ng mga mananaya.

Mistulang pinasasahod ng mga iligalista ang mga tanod ng barangay na halos buong gabi hanggang madaling araw nakatanghod at nakabantay sa mga sugalan.

Lantaran din umano ang bentahan ng shabu sa mga peryahang ito dahil ginagawa itong tambayan ng mga adik at tulak, maging ng mga kabataan at babaeng mababa ang lipad.

May nakapagsabi sa inyong lingkod na pati ang areas of responsibility (AoR) ni Occidental Mindoro PCol Temoteo Espiritu ay laganap din ang ilegal na sugal na “color games at drop ball baraha” maging ang jueteng sa mga bayan ng Abra de ilog, Calintaan, Looc, Lubang, Magsaysay, Mamburao, Paluan, Rizal, Sablayan, San Jose at Santa Cruz.

May follow-up pa ito! Subaybayan…

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.