Advertisers
BINATIKOS at masama ang loob ng ilang residente ng EMBO barangays sa ginawa umanong ‘aksyon’ ni Makati City Mayor Abby Binay para sa kapakanan nila kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na ilipat ang kanilang hurisdiksyon sa Taguig City.
Naging emosyonal ang pahayag ni Mary Grace Garcia, residente ng EMBO ( Enlisted Men’s Barrio ) aniya “Masama po loob namin. Sabi niya ( Abby ) noon ipaglalaban niya kami. Ano na po ang nangyari ngayon?”
Ikinalungkot ni Garcia ang pagsasara ng health centers sa EMBO barangays dahil alam umano ni Binay na maraming mahihirap ang ‘di kayang pumunta sa private (hospitals ) bagay na ganito pa ang sinasabing ‘aksyon’ na ginawa ng alkalde.
Dismayado din ang senior citizens katulad ni Armado Santocildes na isang pasyente sa EMBO dahil dati ay napakalapit ng health center sa kanilang lugar pero ngayon ay nagdudusa dahil pumupunta pa daw siya sa Taguig.
“Kung ang adhikain nila ay makatulong sa masa, dapat [mga programa nila] pang-masa. Katulad ng mga basketball courts at health centers—lahat ’yan pinasarado nila. Asan yung sinabing ‘makatao’? Nawala yun, kasi kung talagang makatao ka, iintindihin mo yung mga taong nangangailangan talaga,” dagdag ni Santocildes
Kasama rin sa hinaing ng mga residente ang pagpapawalambisa sa ‘yellow cards’ na unang nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente ng 10 EMBO barangays. Isyu rin sa kanila ang umano’y pag shut down ng Makati sa mga fire station, day care center at covered court
Habang tinitingnan ni Mayor Abby Binay ang potensyal na tumakbong senador sa 2025 elections, pinuna siya ng mga residente sa paggamit niya ng mga pangalan ni City of Taguig Mayor Lani Cayetano at Senator Alan Peter Cayetano sa kanyang ‘political rhetoric’ laban sa Taguig.
Ang hakbang na ito, anila, ay sumasalamin umano sa pamumuno ni Binay. (JOJO SADIWA)