Advertisers

Advertisers

MANANATILI ANG ‘AAA’ NA KAMPANYA NG PULISYA SA NCRPO – PBGEN ABERIN

0 105

Advertisers

PORMAL nang nanumpa bilang acting chief ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang itinalagang Regional Director na si PBGEN Anthony Aberin, mula sa isang simpleng seremonya noong Lunes, Nobyembre 25, 2024 na ginanap sa Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sa kanyang mensahe, iginiit ni Aberin na dapat ang kanyang mga tauhan ay Able, Active at Allied o ‘Triple A’ dahil paliwanag nito na ‘able’ dapat ang kapulisan o may kakayahan na tuparin ang tungkulin nito.

Isa umano sa mga ‘tututukan’ na gawing proyekto ni Aberin ang pagbibigay ng suporta sa kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng training at iba pang pamamaraan upang matiyak na ‘able’ o may kakayahan ang mga ito.



Bukod dito, mananatili din aniyang aktibo o ‘active’ ang kampanya ng pulisya sa lahat ng klase ng kriminalidad at ilegal na aktibidad, Gayunman, binigyang-diin ng bagong Metro Manila top cop na dapat manatiling kakampi o ‘allied’ ng publiko ang kapulisan.

Dagdag pa ni Aberin na sa bagong pilipinas, ang gusto ng pulis ay ligtas ang taumbayan.



Si Aberin ay dating regional director ng Police Regional Office (PRO)-7 sa Central Visayas mula noong Marso 2023.

Pinalitan niya si Maj. Gen. Sidney Hernia, na inalis sa puwesto upang bigyang-daan ang mga pagsisiyasat sa isang di-umano’y insidente ng pangingikil na kinasasangkutan ng isang Philippine offshore gaming operation (POGO) hub.



Sina Hernia at PNP Anti-Cybercrime Group chief Maj. Gen. Ronnie Cariaga ay parehong “administratively relieved” sa insidente.

Nag-ugat ito sa umano’y maling paghawak sa raid noong Oktubre 29 sa Century Peak Tower, na tinatarget ang isang di-umano’y POGO site sa 40-palapag na gusali. (JOJO SADIWA)