Advertisers
NAMAHAGI sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ng P10,000 ayudang pinansyal at relief goods sa bawat isa sa ilan sa 2,000 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na naganap sa Isla Puting Bato sa Tondo at Sampaloc, Manila.
Nabatid mula kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso habang sinusulat ang balitang ito, ang pamahalaang lungsod sa atas ni Lacuna ay patuloy ang pagbibigay ng basic needs sa mga fire victims.
Nang magsimula pa lamang ang sunog,sinabi ni Fugoso na agad na nag-utos si
Lacuna na ihanda na ang temporary shelters at ang probisyon ng food boxes, hot meals at tents.
Samantala, nanawagan sina Lacuna at Servo sa mga residente ng Maynila na nangangailangan ng trabaho na lumahok sa ‘Mega Job Fair’ na ilulunsad ng pamahalaang lungsod sa Biyernes (November 29, 2024).
Ang mega job fair ay inorganisa ng Public Employment ServiceA Office (PESO) ng lungsod sa ilalim ni Fernan Bermejo at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region and DOLE -NCR Manila Field Office. Ito ay nakatakdang gawin sa Arroceros Forest Park, Lawton, Manila mula 10 a.m. hanggang 5 p.m.
Ayon kay Lacuna ang mga interesadong applicants ay maaaring magpunta suot ang casual na kasuotan, magdala ng sariling ballpen at sampung kopya ng resume.
Pinayuhan din ng alkalde ang mga naghahanap ng trabaho na siguraduhing nag-almusal na sila bago pumunta sa job fair para makasagot nila ng matino sa interview na ginagawa on the spot.
Ayon sa alkalde, libo-libong ang trabaho ang naghihintay sa scheduled job fair lalahukan ng maraming kumpanya na laging sumusuporta sa lokal na pamahalaan sa patuloy nitong pagbibigay ng trabaho sa mga unemployed Manileños.
Ang pamahalaang lungsod ay regular na nagsasagawa ng job fairs kung saan marami ang pinapalad na mabigyan ng trabaho on the spot, saas pa ni Lacuna. (ANDI GARCIA)